^

PSN Showbiz

Direk Darryl Yap, pinatulan ng jowa ni Carlos

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Direk Darryl Yap, pinatulan ng jowa ni Carlos
Direk Darryl Yap
STAR/File

May katapat na

Nakahanap ng katapat si Direk Darryl Yap sa girlfriend ng ating double Olympic Champ na si Chloe San Jose. Nang mag-post si Direk Darryl ng “Papansin din kasi itong si Goldilocks, eh,” sinagot ito ni Chloe ng “Parang ikaw lang Direk, dami mong say, Quits lang.”

Hindi pa roon tumigil, sinagot pa ito ni Direk Darryl ng “Paanong quits? Ikaw pina Say mo sa jowa,” Hindi na siya pinansin ni GF ni Carlos Yulo. Tapos na ang kumpetisyon ni Caloy kaya may time nang pumatol ang GF niya sa mga basher niya. Medyo marunong sa social media itong si Chloe actually, totoo kayang kaya niyang makipagbardagulan sa mga nanghuhusga sa kanya? Wait lang tayo at magbabalik na siya, malapit na!

Dating aktres Mayor Niña Jose, binantaan ang makating umaaligid sa mayamang asawa

NKKLK din ito si Bayambang Mayor Niña Jose na tila may natutunugang umaali-aligid sa kanyang asawang si Cesar Quiambao. Ang sabi nito, “War­ning: I say this because sa mundong ito, panahon na naman ng mga itchy girls at higad. As a wife, I will always protect what is mine. So do not ever ever ever try to cross what’s mine. Because I will find you. You know who you are.”

Para masabi ni Mayor Niña ito ay pihadong may mga reliable info siyang natanggap about this. Ang sabi pa nga niya, dapat daw i-treat ng gamot  ang ganyang pagiging “itchy.” Ang tanong, ano po ang mabisang gamot sa ganyang pangangati, Mayor, alam n’yo po ba?

Aira at Nesthy, naisahan?!

Heartbreaking ang sinapit ng ating boxers sa Olympics na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio na pareho nating pinanood nang madaling araw at nag-expect na magwagi, pero lost. ‘Di tulad ng ibang sport na kitang-kita ang pagkakaroon ng puntos, sa boxing may pagka-subjective ang desisyon na nakabase kung ano ang nakita ng judges.

Si Aira, napatumba pa nga niya ang kalaban niya, bakit nakaungos pa rin?

Si Nesthy, walang tumamang suntok ang kalaban sa last round, nagwagi pa rin?

Ang tanong, kapag ganito ba, walang room para magprotesta?

Urian, pinagdamutan si Mother

Ngayon na ang huling gabi ng lamay para sa butihing producer na si Mother Lily Monteverde. Ililibing na siya bukas sa Heritage Memorial Park sa tabi ng kanyang asawang si Father Remy Monteverde.

Halos lahat na ng parangal ay naibigay na kay Mother Lily, the latest of which ay ang Parangal ng FDCP (Film Development Council of the Philippines).

Ang tanong: ngayong pumanaw na si Mother Lily, mare-reconsider kaya siya na parangalan ng Natatanging Gawad Urian na ipinagkait sa kanya ng mga Manunuri all these years? Totoo bang madalas nababanggit ang kanyang pangalan ngunit palagi siyang nire-reject ng mga Manunuri? Bakit kaya?

Nakakata-Quote

“Ang paghingi ng tawad na dinadaan sa presscon ay hindi isang uri ng pagpapakumbaba. Ito ay fame-whoring sa salita ng kabataan ngayon.” -- Lex Bonife, screenwriter pagkatapos ng presscon na isinagawa ng Nanay ni Carlos Yulo na si Angelica.

vuukle comment

DARRYL YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with