^

PSN Showbiz

Dennis, pinag-aaralan ang rape scene!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, pinag-aaralan ang rape scene!
Dennis Trillo

Ang lakas ng da­ting ng character ni Dennis Trillo sa Pulang Araw bilang kontrabida na Japanese soldier during World War II.

Ang galing niya sa pinapanood na trailer kahapon sa isang small presscon, na tiyak na kabubuwisitan ang lahat ng mga mano­nood nito.

Pero naging maingat ang aktor dahil alam niya ang pinagdaanan ng ating mga kababaihan noong panahon ng Hapon.

“‘Di ba ang pinagdusahan ng mga ninuno natin, parang ang bigat lalo na gawin, recreate ‘yung mga moment na ‘yun na talagang mabibigat, na talagang nakaapekto rin sa pagkatao ng marami,” aniya sa ginanap na presscon kahapon.

May eksena sa trailer na maselan?

Anong preparation sa rape scene kapag ganun at gaano ka-emotional?

“Inire-rehearse namin, para siyang sayaw kumbaga na parang dito tayo sa simula, tapos after nung dialogue lipat tayo sa ganito, sa sahig na. Tapos ganito susuntukin kita, ganun,” pagbabahagi niya kung paano nila pinaghahandaan ang mga eksena na hindi niya karaniwang ginagawa

Bakit may mga Tagalog na lines?

“Kasi po ‘yung character ko, nag-aral po siya rito sa Pilipinas. Kaya natuto siya ng wika ng mga Pilipino. At the same time, mataas po ‘yung rango niya na Japanese officer.

“Nakipag-usap siya sa mga iba’t ibang lahi. Kaya kailangan marunong siya mag-English at the same time ayun Japanese,” paliwanag pa ng aktor sa kanyang character.

Paano siya napili rito?

“Ang alam ko talagang hinahanap dito isang Japanese na artista and parang nahihirapan sila talaga na i-cast. Ayun nagtataka ako, ako ‘yung kinuha nila pero siguro ayun tiniwala nila sa akin ito,” pag-amin niya.

Handa ka na ba na magagalit sa ‘yo sa character?

“Oo, handa na. Syempre doon mo makikita kung gaano ka ka-effective. Kung talagang okay ‘yung pagganap mo. Kung maaapektuhan sila. Kung ano ‘yung mararamdaman nila kapag napanood nila ‘yung mga eksena.”

At pakiramdam niya mas nagiging mahusay ang isang bida dahil sa kontrabida.

“Wag na ‘yung sa tingin ko kontrabida dahil katulad nung sinabi ko kanina walang magiging effective na bida kung walang isang magpapahirap na kontrabida sa kanya dahil doon siya talaga huhugot ng galit so importante siya,” dagdag niya sa importansiya sa kanyang gagampanang papel sa pinag-uusapang serye na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez,  David Licauco, at Alden Richards.

ACTOR

DENNIS TRILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with