Kelsey Merritt, napisil ng American fashion brand

Kelsey Merritt

Ang bongga naman ng Filipino American na si Kelsey Merritt na nakatrabaho ang American fashion brand na Ralph Lauren, na outfitter ng Team USA sa Paris Olympics.

Masasabi nga raw niyang na-achieve na niya ang kanyang ‘dream photoshoot.’

Ibinahagi niya sa kanyang post ang mga litrato niya sa kanyang ‘dream shoot’ sa Paris para sa nasabing fashion brand.

Pinusuan ito ng netizens at sinabing nag-uumapaw raw ito ng IT girl energy. At sa sobrang ganda nga raw nito ay napagkamalan pang AI ang kanyang mga litrato.

Ipinost din ito ng mismong account ng brand na may caption na “#KelseyMerritt captures effortlessly sophisticated summer #PoloRalphLauren style in Paris.”

Maaalala ngang si Kelsey ang unang Pilipino na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show, na nag-announce kamakailan ng pagbabalik matapos ang six-year hiatus.

Mother Lily, habambuhay na ang tatak na naiwan

Hanggang ngayon feel ko pa rin ang emptiness dahil sa pagkawala ni Mother Lily Monteverde. Talagang ang laki ng influence niya sa buhay ko kaya na-man damang-dama ko ang pagkawala niya. Parang siya na talaga ang pinakamarkadong tao na naka-impluwensya sa buhay ko.

But life goes on for everyone na naging bahagi ng buhay ni Mother Lily. At talagang hanggang dulo magkasama sila ni Father Remy. True love talaga. Hanggang wakas.

Ironic nga na parang badyang paghina ng showbiz ang pagkawala ni Mother Lily na isa sa talagang haligi.

Forever na siguro ang tatak na naiwan ni Mother Lily sa dahilang halos buong showbiz nagawa niyang maging bahagi.

Ngayon tuwing daraan ka sa Valencia at sa Imperial Palace, tiyak sasagi sa isipan mo si Mother Lily.

Forever grateful sa lahat ng nagawa niya at naging influence sa buhay ko. I will never ever forget all the things Mother Lily has done into my life.

Salamat uli, my dear Mother Lily. I will pray for you, always.

Show comments