^

PSN Showbiz

EJ Obiena, namuyat!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
EJ Obiena, namuyat!
EJ Obiena

Puyat ang mga tao kapapanood ng Olympic games ng ating mga kababayan. Unsiyami si EJ Obiena na manalo pero ok lang, puwede pa naman siyang bumawi sa LA2028!

Halimaw naman talaga sa galing ng kalaban niyang si Duplantis na nag-break pa ng Olympic Record!

Ang na-miss ng mga tao lalo na si Agot Isidro sa kanyang post ay ‘yung pagsabit ng pototoy sa aparato – dahil sa kadakilaan! Hindi man siya nagwagi ng medalya, I’m sure ang daming nahumaling sa kanya, ‘di ba?

Sabungeros…, extreme ang death threats?!

Usap usapan pa rin sa grupo ng filmmakers ang Lost Sabungeros at ang pagkakansela nito sa Cinemalaya. Ang dami-daming iba’t ibang interpretasyon sa security reasons aside from death threats. May extreme na iniisip pang may banta ba na pasabugin ang sinehan at makaapekto ito sa mga manonood?

Wala bang stand at explanation ang Cinemalaya sa audience? May nagsasabi tuloy na – baka mas malaya at matapang ang Sinag Maynila o QCinema – at du’n na lang ito ipalabas.

May nagsasabi ring, baka mas mainam pang i-online na lang ito para mas laganap. Ano sa tingin niyo?

Caloy, sinamantala ng mga brand at pulitiko!

Grabe ang pananamantala ng brands at mga pulitiko sa pagpanalo ni Carlos Yulo. Magta-translate kaya sa tunay na papremyo ang mga pagbati with matching photo ni Caloy?

Sana tunay na pabuya ang mga ito at hindi ‘yung strings attached na may matching posts at advertising na involved kasi dapat premyo ito sa kanya, at iba ‘yung pagtatrabahuhan pa niyang endorsement.

At ‘yung mga pulitiko naman, mahiya naman sana sila lalo pa’t mas malaki pa ang mga picture nila sa mismong larawan ni Caloy. Kanya-kanya ba talagang pagpapabida ngayong panahon ngayon?

Harassment kay Gerald, uungkatin din sa Senado

Lumabas na ang video blog ni Gerald Santos sa YouTube at mas mahaba pa ang kanyang reflection at pakikiisa sa sinapit ni Sandro Muhlach kaysa pagbibigay ng specific na paglalarawan ng nangyari sa kanya at sa musical director.

Ito na ba ang pagiging relevant ni Gerald Santos? Siya na ba ang face ng sexual harassment sa Pilipinas? At katulad ni Sandro na ang kaso ay magkakaroon ng hearing sa Senado, mauungkat din kaya ang kaso ni Gerald?

At totoo ba, aabot talaga sa Senado ang isyung ito? Ibang klase, ‘di ba?

Nakakataquote:

“I first want to say thank you to everyone who has followed, supported, and believed in me. 4th place is painful to say the least; and in sports with three podium places, perhaps 4th is the harshest place to be. I am heartbroken that a single failure cost me and cost a nation I so deeply love—the podium. I apologize for this outcome; such is life as the world of competitive sports can be exhilarating at times, and painful at others. I have experienced both and unfortunately today I am on the other side of it! On a positive note I am proud of what I was actually able to stitch together for this Olympics, with all the struggles that came with this year; but still it hurts to be this close to an Olympic Medal. As anyone can imagine the reality is still sinking in and I am processing the outcome. I learned a long time ago to take one day at a time, and that’s exactly what I am going to do. Thank you again for your support and standing by me. I love you all, and we all share a common love and pride for the Philippines. Carlos Yulo has already made this an Olympics to remember and I salute him. I am sorry I didn’t join him on the podium but I will be back. “The good get up” as they say. I have been knocked down. But I will get back up.” — Mensahe ni EJ Obiena

EJ OBIENA

SHOWBIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with