Marian, nagka-wake up call

Ginanap nitong Linggo, August 4, sa  Ayala Malls Manila Bay ang Gala night at Talk Back Session ng Cinemalaya full-length film entry na Balota na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Nagsama-sama rito ang cast at crew ng nasabing pelikula na produced by GMA Pictures at GMA Enter­tainment Group.

Marami ang talagang nag-abang na mapanood si Marian at kung paano niya binigyang-buhay ang karakter bilang Teacher Emmy. Ilang Balota screenings na nga ang sold-out matapos ang opening ng Cinemalaya.

Ito ay isa sa mga offering ng GMA Network sa Cinemalaya para sa taong ito. Mula ito sa panulat at direksyon ni Kip Oebanda. Sa gala night ay ibinahagi ni Direk Kip na malaki ang pasasalamat niya sa GMA Network dahil hinayaan siyang maipahayag ang pelikula gamit ang boses niya.

Aniya, “Kahit na mainstream studio sila, hindi nila pinakialaman ‘yung script, di nila pinakialaman ‘yung cut, nirespeto nila ‘yung voice ng direktor, kahit na may kagat at risk ang materyal na ito.”

Kasama sa mga cast na dumalo sina Wil Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Sassa Gurl, Esnyr, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, at Sue Prado. Present naman ang Kapuso stars na sina Glaiza De Castro, Boobay, Gabby Eigenmann, Kokoy de Santos, at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes upang magbigay ng suporta sa pelikula.

Sa talk back session ay ibinahagi naman ni Marian ang mensaheng nais ipahatid ng Balota: “Ang pelikulang Balota ay wake up call para sa atin. Kaya nga sabi ni Teacher Emmy ‘Sa araw na ito malakas ang boses ko, at pinakikinggan ako,’ sana marealize ng mga tao ‘yun.”

 

Show comments