Gretchen, nadadawit sa intriga sa Cinemalaya
Unang tanong ni Lee Joseph Castel na isa mga producers ng “Lost Sabungeros” ng GMA Pictures: Lahat ng banta, dapat sineseryoso.
Pero ang hindi pagtuloy sa screening ng Lost Sabungeros sa Cinemalaya ay pagkapanalo nang inihahasik na takot.
Halos dalawang taon naming binuo ang docu-film na ito at tinanggap na bahagi nito ang panganib.
Ngunit sinuong ng produksyon ang peligro, para siyasatin ang pagkawala ng mahigit tatlumpung mga sabungero.
Dahil bilang mga mamamahayag, at kahit bilang mga ordinaryong tao, hindi natin dapat tinatanggap na bigla na lang may mga misteryosong naglalaho.
Ipikit mo lang ang iyong mga mata at isipin mong sa susunod na tilaok ng manok hindi mo na makikita ang mahal o pamilya mo, anong mararamdaman mo?
Sa hindi pagtuloy ng Lost Sabungeros sa Cinemalaya, sino nga ba ang tunay na pinoprotektahan mula sa mga banta?
Ikalawang series ng tanong: Sino nga ba ang totoong nailigtas sa anumang isisiwalat ng dokyu?
Cinemalaya Independent Film Festival. Hindi na malaya. Hindi na rin independent.
Sa sabong ng mga makapangyarihan, biktima pa rin ang mga walang boses na patuloy na nanghihingi ng katarungan.
Ano kaya ang sagot ng Cinemalaya sa tanong: Totoo bang hindi na malaya ang Cinemalaya?
Sa COMMENTS section ng nasabing post: nadawit na ang mga pangalang Atong Ang, Gretchen Barretto, at Tonyboy Cojuangco, ano ang kinalaman nila sa issue. Ano ang security issue. Death threats? Mula at para kanino? Hindi ba’t matapang ang Cinemalaya sa ganito? Mga ancestral land, political prisoners, EJK, atbp, tapos dito umuurong sila? Bakit kaya?
Nung isang taon, pinalabas ang documentary na Delikado ukol sa illegal logging sa Palawan. Itinuloy ang screening kahit may mga pagbabanta rin. Ano ang kaibahan dito? Dahil ang concerned ba ay malapit sa pamunuan ng Cinemalaya? Talaga ba?
Mark nagpa-tribute!
Pa cute lang pero nakakaaliw, napanood niyo na ba ang tribute ni Mark Bautista sa ating Double Gold Medalist sa Olympics na si Carlos Yulo? Magkakilala na ba sila? Sana matuluyan na silang magkita at magkakilala dahil nabigyan lang ng malisya ang dati nilang pagbabatian, di ba? Sana imbitahin ni Mark si Caloy sa Anniversary concert nito. Naks! Pansinin siya kaya nito? Malay niyo naman, di ba?
Jed, ‘di sinama sa ASAP
Sa mga posts ni Jed Madela ay nasa Los Angeles siya, dahil du’n ang last leg ng concert tour niya sa US. Ang tanong, sa dami ng mga artista at singer na kasama sa ASAP NATIN ‘TO in LA, bakit parang hindi siya isinama? Menos gastos na sa pamasahe sana kasi nasa LA na siya, di ba? May something ba ang ASAP kay Jed?
Nakakataquote:
My dear colleagues in media:
He just lifted the spirit of the nation by winning TWO OLYMPIC GOLD MEDALS. The people are overwhelmed with pride and joy.
So please don’t give media space to a drama queen mother who wants to tarnish the moment of GLORY of HER OWN SON regardless of personal reason.
She and her narrative should be collectively IGNORED.
Mabuhay ka, Caloy! mabuhay ang mga atletang Pilipino! - Direk Jose Javier Reyes, Film Development Council Chair
- Latest