^

PSN Showbiz

Julia, nasaktan sa mga ginawa nila ni Joshua

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia, nasaktan sa mga ginawa nila ni Joshua
Julia Barretto at Joshue Garcia.
STAR/ File

Mapapanood na sa mga sinehan simula August 14 ang pelikulang Un/Happy For You na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia. Sinisiguro ng dating magkasintahan na makare-relate ang mga mano­nood ng kanilang bagong proyekto. “To sum it up, it’s a movie about exes who crossed paths again. We watch the journey from there,” nakangiting bungad ni Julia.

“Basically ‘yung movie na ito ay istorya nina Juancho and Zy. Abangan natin kung magkakabalikan ba sila? May revenge ba ‘yan? Malalaman natin,” dagdag naman ni Joshua.

Matatandaang nagkahiwalay sina Julia at Joshua bilang magkasintahan noong 2019. Ngayon ay masaya na ang aktres sa mahigit tatlong taon nilang relasyon ni Gerald Anderson.

Nauugnay naman si Joshua sa French Filipina Athlete na si Emilienne Vigier. Ayon kina Joshua at Julia ay naging maayos naman ang shooting ng pelikula na tumakbo ang istorya tungkol sa dating magkasintahan. “Feeling ko, kung kahihiwalay pa lang namin, mahirap pa siya. Pero since ang tagal na ng panahon na nagdaan, nag-mature na kami, ang dami nang nagbago. I think ngayon mas okay, mas masaya. Ini-enjoy lang namin ‘yung journey. Ini-enjoy lang namin ‘yung process. Ang saya lang namin lagi sa taping,” paliwanag ni Joshua.

“Right now, sa mga eksenang ginagawa namin, medyo nasasaktan ako. Sana sa pelikulang ito mapasaya namin kayo. Pasensya na kung medyo masasaktan nang kaunti. You know, it’s love, it’s a roller coaster,” paglalarawan naman ni Julia.

Rhian, wala noong hilig sa pulitika

Noong una ay walang interes si Rhian Ramos sa pulitika. Nagkaroon lamang nang hilig ang aktres sa pagseserbisyo sa publiko mula nang naging kasintahan si Congressman Sam Versoza tatlong taon na ang nakalilipas. “Noong una kasi, especially in the Philippines where we have a more negative connotation of what a politician is,” pagtatapat ni Rhian.

Ngayon ay palaging nakasuporta ang dalaga sa lahat ng mga ginagawa ng politikong nobyo. Para kay Rhian ay masarap sa pakiramdam na marami silang natutulungan ng binata na mga kababayan.  “Now that it’s here, I totally support him because I know him eh. I talk to him every single day. I know what’s in his heart and I know he doesn’t need money, so thank goodness. He won’t use it for the wrong. So that’s why I am able to support even if I didn’t originally like the idea. I know that he really wants to make a positive difference and of course I want him to achieve that. I’ll support him to do it in any way I can,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with