^

PSN Showbiz

Away ng mag-inang Angelica at Carlos, pinag­lalaruan na!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Away ng mag-inang Angelica at Carlos, pinag­lalaruan na!
Angelica Yulo.
STAR/ File

Hindi nakatutulong sa alitan ng mag-inang Angelica Yulo at Carlos Yulo ang parody Facebook account ng ina ni Carlos na kung anu-ano ang sinasabi laban sa anak. Halimbawa ang comment nito na “nanalo pa buset,” “utang mo lahat yan saken, hindi ka makakarating dyan kundi rin dahil saken, ako ang nagluwal sayo kaya matuto kang tumanaw ng utang na loob.”

Pati kapatid ni Carlos na si  Eldrew Yulo, may parody account din na ang sabi, “Double GOLD. Congrats tol sobrang magiging proud lang daw si Mama sayo kapag hindi ka na madamot. Wait ka namen umuwi ng Pinas samahan ka namin iclaim yung mga bonus at incentives mo. Ipangalan mo daw kay Mama yung condo at house n lot, brand new car + 10M cash. Labyu tol!”

Ang nakakaloka, marami ang naniwala at may nabasa na kaming nag-sorry sa mom ni Carlos na si Angelica Yulo dahil naniwala at ni-repost at parody account nito. Sa halip na maayos ang mag-ina, pinalalala pa ng mga parody account.

Samantala, hindi lang si Vice Ganda ang nag-offer kay Carlos ng freebies, ang dami nila at tataba ito kapag walang ginawa kundi kumain.

Pati check up na isang Gastroenterologist, libre rin. Sumabay din ang offer sa lifetime free food and drinks in all their branches. Lifetime free buffet offer din ay may lifetime offer kay Carlos. Puwede na siyang hindi magluto ng isang taon.

Ang biruan, sana may vegan resto na mag-offer ng lifetime free food kay Carlos, ‘wag daw puro meat at baka ma-high blood ito at tumaas ang cholesterol, uric acid, at blood sugar.

May update pala sa condo na ipinangako, hindi na siya two-bedroom condo, three-bedroom fully furnished condo unit na. Dahil ito sa dalawang gold na napanalunan ni Carlos.

Arnold, nagbabait na sa pagkain

Healthy living na si Arnold Clavio at sa first day nang pagbabalik nito sa Unang Hirit, ipinakita ang inihandang pagkain sa kanya ng staff. Nasa mesa ang nilagang itlog, nilagang saba. Pabirong nag-sorry sa mga kasama si Arnold, tigil daw muna siya sa crispy pata.

Nagbiro si Anjo Pertierra na dadamayan nila si Arnold sa pagkain sa mga inihain sa kanya. Tawa nang tawa si Shaira Diaz at kinantyawan si Arnold na healthy living muna ito at health is wealth daw.

Pasalubong ni Ivan Mayrina ang nilagang itlog at saba at pati sila, ‘yun na rin ang kakainin. Damay-damay ang hosts ng UH sa diet ni Arnold ngayon na balik na sa pagho-host ng UH.

Post ni Arnold, “I’m back! Thank you Lord. Salamat mga Kapuso. Salamat @gmanetwork. Another day. Another life. Back to barracks!!! Let’s go!”

Elvis, may promise sa namatay na asawa

Ang talas ng mga mata ng netizens dahil nakita agad ang pagla-like ni Barbie Imperial sa post ni Elvis Gutierrez patungkol sa pumanaw nitong asawa na si Alexa Gutierrez.

Ang isang post ni Elvis na ni-like ni Barbie ay ‘yung kasama nito ang dalawang mga anak at may caption na “I promise to walk with you hand in hand in this journey called Life, with your moms guidance from the stars and the heavens above. I love you so much Aria and Ezra.”

Ang isa pang post ni Elvis na ni-like ni Barbie ay ‘yung kasama ni Elvis ang kanyang buong pamilya. Comment ng netizen, like raw nang like si Barbie sa post ni Elvis na wala namang masama. Nakiki-simpatiya lang naman siya.

vuukle comment

ANGELICA

CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with