Pamilya ni Mother Lily, inunahan ng mga pabida sa social media

Nkklk ang pagkalat ng balita tungkol sa pagpanaw ni Mother Lily Monteverde. As usual, ang daming nangunguna. Isa na rito si Danreb Belleza.

Ang tanong ng isang malapit sa Monteverdes, bakit kailangang mag-post agad? Hindi ba’t dapat hintayin muna ang pamilya na mag-post bago kumuda lalo na sa social media? Respeto lang sana.

May isang komedyante at senador din na nauna pa sa pamilya. Marahil close talaga sila kay Mother, pero sabi nga ng isang producer, kailangan bang makipag-unahan sa pag-break ng balita? Well, this is not a contest!

May mga reporter naman na pa-blind item pa, bakit? Para sabihin na ikaw ang source ng balita? Badge of honor ba ‘yun? Basta sana sa susunod, isipin mo na dapat pamilya ang mauuna. Huwag magbida-bida.

Mommy ni Carlos Yulo, bina-bash

Speaking of pamilya, bakit naba-bash ang nanay ng ating Paris Olympic Gold Medalist Carlos Yulo? Ang tanong ng tao, do we see and hear another Raquel Pempengco?

Sana naman hindi na mabahiran ng anumang nega ang good news at karangalang dala sa atin ng Golden Boy Caloy. At totoo bang pinagpapasa-pasahan ulit ang kanyang video before? Respeto na lang sana sa ating Kampeon.

Lost Sabungeros, umatras sa Cinemalaya

Hindi na matutuloy ang pagpapalabas ng documentary ng GMA na Lost Sabungeros sa Cinemalaya. Bakit kaya? Heto ang statement ng GMA Pictures: “Due to security concerns, the screenings of LOST SABUNGEROS have been cancelled.”

Balota replaces the screenings.

Ano kaya ‘yung security reasons? Bakit hindi ito naayos para sa festival eh parang ang tagal na may omnibus press release ng GMA films making it big in Cinemelaya? Bakit nga kaya?

Nakakataquote:

“Where has respect gone?

“No one, and absolutely no one has the right to make any announcement on the passing of someone, other than the family of that person alone.

“There are various reasons why it takes time for the family to react - they are grieving, they are still making plans, and perhaps it may also be of a legal nature.

“The nerve of some people making announcements in the guise of offering their condolences, without the family’s permission!

“This is NOT a contest on who is first, people.

“ If you are truly sorry for someone who is gone, then offer prayers or privately sympathize with the family.”

(Atty. Joji Alonso)

“I have done the same mistake in the past.

“But it is not only out of etiquette but RESPECT for the family of the deceased that ONE WAITS FOR THE OFFICIAL ANNOUNCEMENT OF THE BEREAVED before posting condolences of various shades of sincerity.” (Direk Joey Reyes)

Show comments