Parang showbiz ang life story ni Carlos Yulo at ang nabasa namin, estranged siya sa kanyang ina at mga kapatid at pera raw ang dahilan. Diumano, ginamit ng mom ni Carlos ang pera niya sa pagpapagawa ng bahay na hindi ipinaalam kay Carlos, nag-away-away at si Carlos pa ang itinakwil.
May iba pang isyu pero tungkol pa rin sa pera. Hindi kami sure kung pati kanyang ama ay galit kay Carlos dahil hindi naman nabanggit sa usap-usapan ng netizens. Binisita namin ang Facebook profile ng ama niya at ang photo ng anak ang profile nito.
Nalungkot ang netizens dahil sa halip na i-congratulate si Carlos, ang Japanese gymnast na nanalo sa All-Around category ang pinuri nito sa post na “Japan pa din talaga... lakas.”
Na-bash tuloy si mother na tila deadma naman at kakampi niya ang kanilang relatives.
May post pa ang mom ni Carlos ng family picture nila na wala si Carlos at nang may mag-comment na kulang sila, ang sagot, “As far as I know we’re complete.” Sinugod ng hate comments ang mom ni Carlos na si Angelica Poquiz Yulo, kaya in-off ang comment ng FB account nito.
Nakakalungkot din na hindi na rin pamilya ang turing ni Carlos sa kanyang pamilya dahil nasilip ng isa nitong fan ang profile ni Carlos sa Paris 2024 app at ang nalalagay na family niya ay pangalan lang ng girlfriend, hindi ang pamilya niya.
Sa interview din kay Carlos, ang pamilya ng GF daw ang pinasalamatan nito at hindi ang pamilya niya.
Sinasagot ng mother niya ang mga tanong ng netizens, gaya ng bakit hindi kasama ang anak sa mga tinag niya at ang sagot, blinock niya ang anak.
Ang dalawang younger siblings ni Carlos ang ipinagmamalaki ng mom nito, gymnast din ang dalawa at may paalala na ang netizens kay Angelica na ‘wag niyang gawing insurance fund ang dalawang anak.
‘Katuwa ang netizens at fans ni Carlos, sila na raw ang kakampi nito kung ayaw ng pamilya Yulo sa kanya. Comment ng isa, ‘wag daw siyang aapak sa 24-million luxury condo sa McKinley Hill na ibibigay ng Megaworld kay Carlos.
Maghintay pa tayo ng mga tsika sa kanya at sa pamilya nito lalo na kapag bumalik na ng bansa ang Pinoy gold medalist.
Sarah, pinusuan si Lorin
Ni-like ni Sarah Lahbati ang birthday post ng eldest ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gabriella.
Kung itse-check ang mga nag-like sa post niya, magkakasunod ang mga pangalan nina Ruffa, Richard at Mond Gutierrez sa nag-like sa post niya.
Wala ang pangalan ni Barbie Imperial sa mga nag-like at bumati ng happy birthday kay Lorin.
Nalungkot ang supporters ni Sarah dahil mula nang maghiwalay sila ni Richard, absent na siya sa mga event ng Gutierrez family. Hindi na rin siya nagko-comment sa mga post ara siguro wala na lang isyu.
Nag-comment lang si Sarah noong pumanaw si Alexa Gutierrez, pero hindi na rin siya pumunta sa wake nito. Wish ng mga nagmamahal kina Sarah at Richard, maging friends sila kahit may iba na silang partners for the sake of their sons.
Aljur, absent sa birthday ng anak!
Bigay nina Sen. Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang Minecraft themed party sa 7th birthday ng eldest nila ni Aljur Abrenica na si Alas. Sa video post ni Kylie, makikitang nag-enjoy ang mga bisita ni Alas sa kanyang party lalo at may games pa.
Walang photo ni Aljur sa birthday party, either hindi siya invited o invited pero hindi lang dumating. Wala ring picture ng boyfriend ni Kylie na for sure, invited at hindi lang siguro pumunta.
Hindi pa ready sina Kylie and her BF na i-launch ang kanilang relasyon, tama na muna ang sinabi ni Kylie na she’s taken and her heart is happy. Magkakasama naman sila ng kanyang mga anak at kanyang BF sa bakasyon nila sa Hakone, Japan.