Feng Shui ni Kris ginagawan na ng series; direk Chito wala nang gana sa horror

Kris Aquino

Dama ni Direk Chito Roño na matatagalan sila ng shooting ng pelikulang Espantaho na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Sino pa ang mga artista bukod kay Judy Ann Santos?

Sagot ni Direk Chito sa amin : “Actually, hindi ko pa alam. Maraming effects ito,” say ng batikang direktor nang maka-chikahan namin sa wake ni Father Remy Monteverde noong Huwebes ng gabi sa Valencia.

Estimate mo, ‘pag maraming effects, kelan ‘yun matatapos, sunod na tanong namin.

“Ay hindi ko alam, kasi hindi pa kami nagso-shoot.”

Direk Chito Roño

Pero may calendar na kayo ng taping?

“Basta alam ko may second day kami,” na wala siyang nabanggit kung meeting o shooting ‘yung second day.

Nag-joke pa si Direk Chito na aabutin ng three months ang shooting nila plus post production pa.

Judy Ann Santos

Ito ang first time niya na makakatrabaho si Judy Ann. Pero dapat ay ‘yung Feng Shui ni Kris Aquino ang first nila ni Juday na horror, na tinanggihan ng actress noon kaya napunta kay Kris Aquino.

Direk, wala bang nagpaplano na gawan ng bagong version ‘yung Feng Shui? “Meron, meron. May series kami.”

Saan?

“Ginagawa na namin ngayon. Nagme-meeting na kami sa script.”

Sino magpo-produce?

“ABS. Sa kanila ‘yung materyal eh.”

So mga kailan ito? This year or next year na?

“Actually, nag-umpisa na kami. Ang dami na naming meeting.”

Sino mga artista, Direk?”

Wala pang artista.

Pangatlong Feng Shui na ito

“‘Di ba una si Kris. Tapos pangalawa, Coco.”

Si Kris, hindi mo siya nakakausap kahit sa chat?

“Hindi, although kaibigan na kaibigan ko si Kris.”

Pero ang gusto talaga niyang makatrabaho sa kasalukuyan, ang National Artist na si Nora Aunor. Ganundin si Sharon Cuneta.

Hindi mo pa sila na-direct ‘no?

“Na-direct ko sa TV.”

Aside from Ate Guy and Shawie, sino sa mga bata-batang artista ang gusto mong maidirek?

“Wala akong kilala,” sabay tawa ni Direk Chito habang kausap namin.

Nabilang mo pa kung ilan na ‘yung nagawa mong pelikula?

“Hindi na. Alam ko, 30 plus.”

30 lang?

“30 plus.

“Halos every 2 years lang naman ako gumagawa. Pero may taon akong dalawa.”

“Saka matagal talaga akong mag-shoot.”

Pero, Direk, ‘yung pelikula mo, anong pinakamatagal mong shinoot?

“Dekada (starring Vilma Santos).”

Ilang buwan? “Dalawang taon. Nag-changed location na kami. Dalawang taon.”

Pero bongga ang mga pelikula mo with Vilma Santos. Natatalakan mo ba siya ever or behave siya sa’yo?

“Hindi. Behaved naman si Ate Vi.”

Let’s say may gagawin kang pelikula kay Ate Guy, horror? Anong genre.

“Ay hindi. Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa horror.”

Ano gusto mong gawin?

“Drama. Ano nakaka-depress lang. Lahat sila nag-o-offer horror. Horror, horror.”

Kasi parang tawag sa’yo Master of Horror Films. Parang Feng Shui ang pinagbabasehan nila.

“Kung ang ulam mo lechon araw-araw, magsasawa ka ‘di ba. Kaya wala akong gana eh.”

Ah, so gusto mo naman drama, Direk?

“Oo. Kasi gusto rin ng producers ‘di ba? Kasi mahina ‘yung mga sine. Gusto nilang genre, either horror, love story mga ganun. Ewan ko nakakatulong ba sa industriya ‘yun?”

Kung ikaw ang tatanungin, tingin mo anong makakatulong sa industriya?

“Variety. Kailangan ng matinong variety. Hindi pwede isang genre lang lagi. Tapos na ako sa genre ng mga love stories ‘di ba.”

Bukod sa pagiging mahusay na direktor, si Direk Chito ang manager ng Streetboys.

Show comments