Lumalala na ang isyu ni Sandro Muhlach sa dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Sabi nga ng ama ng baguhang aktor na si Niño Muhlach, siya ang tatapos nito sa pagsampa ng kaukulang kaso laban sa dalawa.
Dumulog na sila sa NBI noong Biyernes ng hapon para pormal na magsama ng reklamo laban kina Nones at Cruz. Wala pang ideya kung anong kaso, pero kasama ng mag-ama ang kanilang abogado na nagsadya sa NBI.
Pagkatapos nito ay nagbigay ng statement si Niño na ipinadala sa media.
Aniya; “Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.
“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it.”
Hiningi nila ang katahimikan na imbestigasyon.
Nag-text lang daw sa news ng GMA 7 na hindi raw siya okay, pero kakayanin daw niya.
Samantala, humingi na rin kami ng reaction mula sa kampo nina Nones at Cruz, kaugnay sa reklamo sa NBI.
Idinaan namin ito sa legal counsel nilang si Atty. Maggie Abraham-Garduque. “Filing in NBI po is not yet a case, investigation pa lang po ‘yun. After investigation sa NBI and maka-gather ng evidence and makagawa ng complaint ang NBI, saka lang nila ipa-file ang complaint sa office of the City Prosecutor or piskalya.
“‘Yung filing ng complaint po sa piskalya or OCP ang tinatawag na case or kaso na.”
Kaagad namang pinik-ap ang FB post ni Gerald Santos na nagpahayag ng suporta kay Sandro.
Hindi lang si Gerald ang posibleng maglalabas ng kanyang kuwento. Tiyak na meron pa ring iba riyan na tahimik na lang lalo’t muling nabuhay ang #MeTooMovement.
Richard at Daniel, sasabak sa matinding aksyon
Ang tindi nga ng casting ng bagong drama series na pagsasamahan nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla. Kasama pa nila rito sina Ian Veneracion at Baron Geisler.
Ang laki nang iginanda ng katawan ni Baron nang nakita namin sa nakaraang birthday party ni direk Brillante Mendoza na ginaganap sa kanyang Secret Garden sa Mandaluyong noong nakaraang Martes.
Sabi ni Baron, pinaghahandaan daw niya talaga itong bagong series na gagawin niya sa ABS-CBN.
Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye ng project na ipo-produce ng Star Creatives.
Kabilang din sa bigating cast sina Barbie Imperial, Kaila Estrada, at ang sumisikat na loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings.
Sa pagkakaalam ko ay magsisimula na sila sa September pero next year pa ang airing nito.
Ang lakas ng dating sa televiewers ang mga matitinding aksyon kagaya ng ginagawa sa Batang Quiapo ni Coco Martin.
Ang tindi rin ng aksyon ng Black Rider ni Ruru Madrid, kaya dumikit ito sa teleserye ni Coco, at nanalo nga ang rating nito sa kanilang finale episode.
Ang ipinalit ay ang Pulang Araw nina Alden Richards ay patuloy pa ring nagna-number one trending sa Netflix.
Pero pagdating sa TV airing nito ay nananalo pa rin ang Batang Quiapo.
Mga bata pa lang kasi ang madalas na napapanood sa pilot week nito. Pero magagaling ang mga bata, lalo na ‘yung batang si Barbie Forteza na si Cassy Lavarias.
Tingnan natin next na dito na talagang lalabas sina Alden, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo.