^

PSN Showbiz

Daniel, susubok kay Kaila!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Daniel, susubok kay Kaila!
Daniel Padilla at Kaila Estrada

Si Kaila Estrada raw ang magiging love interest ni Daniel Padilla sa action series na pagbibidahan nila nina Ian Veneracion at Richard Gutierrez. May mga natutuwa dahil may bago raw makakapareha si Daniel, pero may mga nagseselos na KathNiel fans at nagkakagulo na sila.

May nagpayo lang kay Kaila na mag-iingat at baka raw targetin siya ni Daniel.

Samantala, successful ang Pagkakaisa concert sa Tacloban City noong Aug. 2, na isa si Daniel sa performer. Sa bayan ito ng mom niyang si Karla Estrada.

Sandro, kinakaya ang pinagdaraanan

Tinupad ni Niño Muhlach ang ipinangako na magsasalita siya kapag nakapag-file na sila ng criminal case laban kina Jojo Nones at Richard Cruz. Kaya lang, sa Facebook na muna nagsalita ang ama ni Sandro Muhlach.

Kinumusta si Sandro ng GMA Integrated News at ang sagot, “Hindi po ako okay, pero kakayanin ko.”

Nasa likod nina Niño at Sandro ang relatives nila.

Ang mga comment na sinisigurong sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na dahil sa magkasunod silang spotted. Nakiramay si Barbie sa wake ng sister-in-law ni Richard na si Alexa Gutierrez at sa nakita naming photos, nasa likuran niya si Richard. Makikita ring pinagkaguluhan si Barbie ng mga tao sa wake.

Sunod silang nakita sa birthday party ni Barbie at sa photo na aming nakita, nakatingin si Richard kay Barbie habang ini-interview ang aktres. Nasa may kalayuan si Richard at nakatingin lang kay Barbie.

At tiyak madadalas silang magkasama kapag nagsimula na ang taping ng action series nina Richard, Daniel Padilla at Ian Veneracion. Si Barbie ang makakapareha ng aktor at announcement pa lang ng cast ay nalamang magkasama sila, kaya maraming natuwang shippers nila.

for 2025 daw ang action series na hindi pa in-announce ang title at kung sino ang director.

Dingdong, wala nang magiging pahinga

Nakakatuwa at nakakaaliw basahin ang bardagulan ng fans at haters ni Dingdong Dantes sa mismong Instagram pa ng actor/TV host. Ang pinagmulan ay ang post ni Dingdong tungkol sa The Voice Kids na kanyang iho-host.

Bakit daw si Dingdong na naman eh meron na itong Family Feud mula Lunes hanggang Biyernes. Wala na raw bang iba?

May nakalimutan ang haters ni Dingdong, hindi nito naisama ang Amazing Earth na airing every Friday.

Soon na ang airing ng The Voice Kids, kaya mapapanood siya the whole week.

Isa lang naman ang sagot ng fans ni Dingdong sa mga nagrereklamo, may mas magaling pa raw ba kay sa actor / host sa GMA 7? Kung meron man, kulang pa ang charisma sa tao.

Na tama naman.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with