^

PSN Showbiz

Male host, naka-score sa sexy star

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Walang bahid ng kontrobersiya ngayon ang isang male host na maga­ling sa trabaho at matalino.

Siyempre, may asawa na’t mga anak kaya walang nababalitang nakalandian niya.

Pero lingid sa kaalaman ng asawa, pasimpleng tumikim din ito ng babae, huh! Palihim nga lang pero may nakabisto sa kanya minsan nang mag-host siya sa isang out of town event kasama ang isang sexy star.

Eh dahil maliit lang ang backstage, kinailangang magsama sa isang kuwarto ang dalawa para holding area.

Type ni sexy star si male host pero pa-hard to get ito lalo na’t galing siya sa isang buena familia. Deadma siya sa girl kahit anong landi ang gawin sa kanya.

Eh nang magkaroon ng break sa show, doon na tumodo si girl sa paglalandi! Hindi nakapagpigil si host at pinatulan na niya kahit standing position, huh!

Lingid sa kaalaman ng dalawa, may nakikinig palang host sa kanila na nung tatawagin na sila para sumalang, aba, naka-lock ang room kung saan naka-stay sila, huh!

Nang lumabas sila, smile-smile si girl pero si male host normal lang ang drama na parang walang nangyari sa kanila, huh!

Annabelle, present sa birthday ni Barbie

True kaya ang pinadala sa aming picture na magkakasama sa birthday ni Barbie Imperial sina Richard Gutierrez, Anabelle Rama at Vina Morales?

Sa bandang baba ng picture, may nakalagay na IG_VinaMorales. Eh nang itsek namin ang Instagram ni Vina, wala naman sa IG gallery niya ang photo, huh! Luma na ‘yung mga photo!

Matagal-tagal nang nali-link sina Chard at Barbie.

vuukle comment

ACTOR

HOST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with