Lumantad na rin ang singer na si Gerald Santos at inaming nabiktima rin siya ng panghahalay tulad ng nangyari sa anak ni Niño Muhlach.
Sa Facebook post ni Gerald kahapon, naiyak daw siya sa nangyari kay Sandro Muhlach at bumalik din sa kanya ang sakit ng nakaraan.
Kalakip ng nasabing post niya ang artikulo tungkol sa nangyari kay Sandro.
“Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue. Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya. My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family,” umpisa ng singer.
Pero aniya ay wala siyang boses noon lalo na at hindi pa gaanong popular ang social media.
“I was once in this situation but back then wala kang boses, walang social media. Unlike ngayon na nagkaroon na ng #MeToo movement.”
Kinaya naman daw niya at umaasa siyang makukuha ni Sandro ang hustisya na hindi niya nakamit.
“But I will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened. I hope he gets the justice i was once denied of,” aniya.
Naging usap-usapan sa showbiz noon ang nangyari kay Gerald pero nanahimik siya.
May mga nagulat at nalungkot sa rebelasyon ng mahusay na singer.
Marami rin ang napabilib na bagama’t huli na, nagkaroon pa rin siya ng lakas ng loob na ilantad ang masakit na nakaraan.
Sinuwerte rin naman si Gerald at nagkaroon ng papel sa Miss Saigon ng Cameron Mackintosh Productions sa United Kingdom at sa iba pang bahagi ng Europe.
Pagkatapos noon ay nakapagbakasyon siya sa Barcelona at Paris, sa Amerika para manood sa Broadway at doon niya nakilala ang papakasalang non-showbziz girl na isang military officer sa Armed Forces ng Amerika.
May edad ng konti sa kanya ang LDR (long-distance relationship) nila.
“Mahirap siyempre, hindi madali ang LDR, alam nating lahat iyan. But you know, kung pareho kayong gusto n’yong mag-work ang relationship, then it will work,” sabi ni Gerald sa isang dating interview namin last June.