^

PSN Showbiz

Sandro, sumasailalim sa counseling!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sandro, sumasailalim sa counseling!
Sandro Muhlach.
STAR/ File

Maraming taga-GMA 7 ang nakakita sa mag-amang Niño at Sandro Muhlach na pumunta noong Huwebes, Aug. 1.

Maaring ‘yun na ang araw na pag-file nila ng formal complaint laban sa dalawang independent contractors na pinangalanan na rin sa huling statement ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Kinagabihan ay naglabas na rin ng statement ang legal counsel ng dalawa na si Atty. Maggie Abraham Garduque na hihintayin lang nila ang kopya ng formal complaint at saka nila ito sasagutin. Kaya nakikiusap sila sa lahat na huwag munang magpo-post ng kung anu-anong komento o karagdagang impormasyon na hindi naman kumpirmado.

“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” bahagi ng statement ni Atty. Garduque.

Naka-text ko rin siya kahapon at hinihingan ko sana ng komento sa iba pang mga naipo-post sa social media pero ayaw na muna niyang sagutin dahil mas mabuting mag-focus na lang daw muna sa kasong ito pagkatapos maisumite ang formal complaint mula kay Sandro.

Ani Atty. Maggie, “As far as our clients are concerned there is no formal written was filed against them. Ganun din po sa GMA as far as we know there is no formal written complaint filed until we read the statement of GMA that they received a formal complaint na yesterday.

“Thus, we are awaiting for a copy thereof so we can answer the allegations in said complaint accordingly. This is in accordance with due process.”

Sa ngayon ay suspendido muna sina Nones at Cruz habang gumugulong ang imbestigasyon. At ang latest pang nasagap namin ay tinanggal na raw si Nones bilang 2nd unit director ng bagong drama series ng GMA 7 na Prinsesa ng City Jail.

Siya rin dapat ang magdidirek ng isang episode ng Magpakailanman na nakatakda ang taping ngayong araw pero pinalitan na rin daw siya.

Si Sandro naman ay medyo okay na raw ang pakiramdam niya pagkatapos niyang makita ang all-out na suporta ng buong pamilya, at mga taong malapit sa kanya.

Tinututukan siya ngayon ng Sparkle na kung saan ikinuha siya ng isang expert para sa counseling niya. Tapos na raw siya ng isang session, at may mga kasunod pa raw na naka-schedule.

Sa tingin ko nga, kailangan din ng counseling nina Nones at Cruz.

Paolo, nagiging suki ng bading roles

Ngayong gabi sa Magpakailanman ay ilalahad ang kuwento ng negosyante at dating manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino.

A Son’s Karma ang title na ginampanan ni Paolo Contis.

Kaya tinanong ko si Paolo kung another gay role na naman ba itong ginampanan niya.

Pagkatapos ng isang bading na wrestler ang ginawa niya sa pelikulang Fuchsia Libre, another gay role na naman ito.

Okay lang ba na nalilinya siya sa mga gay role?

Ibang pagkabading naman daw itong ginawa niya sa Magpakailanman dahil ang sabi raw ng may-ari ng kuwento na si Wilbert ay bisexual siya.

Wala namang pakialam si Paolo kung puro bading ang gagampanan niya, dahil ang challenging nga raw sa kanya ‘yun.

Mabuti na nga ‘yun, kesa sa wala siyang ginagawa. Sa ngayon ay sa Bubble Gang lang siya napapanood, at na-miss na rin daw ni Paolo ang drama.

Sana nga ay mabigyan na siya ng drama series, at naghihintay naman daw siya ng magandang projects ng GMA.

Punung-puno na raw ng drama ang buhay niya, kaya ang dami niyang ibabaon sa gagawin niyang drama series kung sakali.

Happy si Paolo sa ginawa niya rito sa Magpakailanman, at excited siya sa pagsisimula ng streaming worldwide sa Netflix ng pelikula niyang Fuchsia Libre sa Aug. 8.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with