^

PSN Showbiz

Liza, may tinatrabahong production company sa Amerika

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza, may tinatrabahong production company sa Amerika
Liza Soberano.
STAR/ File

Gagawa nang muli ng mga proyekto si Liza Soberano sa Pilipinas. Ngayon ay pinaghahandaan na ng dalaga ang kanyang pagbabalik-trabaho sa bansa. “I actually have a pretty big announcement coming sometime soon. Before the end of the year, we will be announcing my projects. I really can’t speak in great detail about a lot of things, but I will say that I will have one series, one reality show and one movie that I am working on right now. Everything that I mentioned is for the Philippines,” nakangiting pahayag ni Liza sa TV5.

Ayon sa aktres ay talagang kaabang-abang ang kanyang mga gagawin dahil makakatrabaho rin ang ilang mga prodyuser mula sa iba’t ibang bansa. “I have people that I’m working with from different countries so on the Philippine side I’m the Philippine producer and I’m working with people from L.A. and Korea as well on different projects,” pagbabahagi ng dalaga.

Matatandaang umalis si Liza sa Pilipinas noong 2022 upang subukan ang career sa Hollywood. Nakagawa na rin ang aktres ng ilang international projects habang nakabase sa California. “Life has been really going well in L.A. I have been taking acting classes. So, I’ve been very busy with that. I take classes four times a week with this amazing acting coach named Alex Taylor. At the same time, I am working on my production company. I’ve been setting up businesses in L.A. as well. So, I’ve been keeping pretty busy. I’ve been also moving into my new apartment in L.A. I’m excited to get back into actual filming and work,” paglalahad ng aktres.

Pulitiko, tinanggi rin si Daniel

Nauugnay ngayon si Daniel Padilla sa anak ni Mayor Francis Zamora na si Amanda. Pinabulaanan naman ng alkalde ng San Juan City ang malisyosong balita tungkol sa anak at sa aktor. “Bilang isang ama, gusto ko pong sabihin sa inyong lahat na hindi po totoo ‘yan. Si Amanda, my daughter, and Daniel are not linked in any way,” paglilinaw ni Mayor Francis.

Nagsimula ang mga ispekulasyon ng netizens nang kumalat ang larawan ni Daniel na kasama ang isang non-showbiz girl sa social media. Matatandaang si Mayor Francis ang nagkasal sa nakababatang kapatid ni Daniel na si Jose Carlito at Nathalia Valdivia noong isang buwan. “Definitely hindi ko po anak ‘yon kung sakaling may mga viral photos na kumakalat. To set the record straight, hindi po si Amanda at saka si Daniel Padilla. Wala pong katotohanan ‘yan. At kung mayroon mang mga tao na nagsasabi na sila, eh ako na po ang nagsasabi na hindi po ‘yan totoo. I’m aware that there are some showbiz personalities who are trying to link them. Pero hindi po totoo ‘yan, wala pong katotohanan ‘yan. At kung mayroon man na nagsi-circulate na pictures trying to make it appear as if sila po, ako na po ang nagsasabi na hindi po ‘yan totoo. Si Daniel Padilla po ay kaibigan ko,” giit ng pulitiko. (Reports from JCC)

vuukle comment

LIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with