^

PSN Showbiz

Darryl at Arnold, sinagot sa kanilang pagsuporta kay Sandro

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Darryl at Arnold, sinagot sa kanilang pagsuporta kay Sandro
Darryl Yap
STAR/ File

Sawsaw pati si Darryl Yap sa isyu ng sexual harassment, at ang sabi’y “grabe yung balitang may nang rape sa GMA executive ng artista mismo nila. Dito ako bilib sa ABS -CBN, sa kanila walang nagrereklamo.” He was obviously throwing a shade at ABS-CBN din.

Kaya heto ang sapul na tanong kay Darryl, “Bakit sa’yo Daryll wala ding nagrereklamo?”

Hindi rin pinalampas ng netizens at pati si Arnold Clavio na nagsabing “Kailangan na itong matigil! Kailangan na ang isang malaganap na kampanya para sa kamalayan laban sa sexual abuse, sexual harassment at maging sa kultura ng panggagahasa. Ipakita dapat ng buong industriya ang suporta kung saan ipinapahayag ng mga biktima ang kanilang mga karanasan sa sekswal na pang-aabuso…”

Ang tanong tuloy ng netizen, “Bakit po kayo, itinago ang ginawa niyo kay Sarah Balabagan noon?”

Vilma at Juday, kanya-kanya sa MMFF

Nagsisimula na ang mga pelikula nina Judy Ann Santos at Vilma Santos na mukhang ihahabol sa finished films ng Metro Manila Film Festival. Ang tanong, bakit hindi na sila magkasama sa iisang pelikula tulad noong unang napabalita?

Bakit kinailangang magkaibang pelikula pa? Si Juday ay with Direk Chito Roño. Si Ate Vi naman ay with Dan Villegas. Kung sinu-sino ang makakasama nila sa proyekto, abangan!!!

Nakakataquote:

“I kindly ask everyone to stop spreading baseless rumors and fake news where I am in no way associated with. May we be kinder in words towards one another and practice discernment, especially on the internet.”  – Amanda Zamora sa pagkaka-link kay Daniel Padilla

At nang tanungin namin ang isang malapit sa dalawa ang sagot ay, “Wala naman talaga.”

vuukle comment

DARRYL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with