Mga akusado pinangalanan, Aga hinihintay mag-react sa nangyari kay Sandro!
Si Aga Muhlach na lang ang hinihintay na magbigay ng statement o pahayag sa kontrobersya sa pamangkin niyang si Sandro Muhlach.
Ganundin sina Atasha and Andres Muhlach na pinsan ng diumano’y biktima ng panghahalay.
Nauna nang nagbigay ng komento ang ibang kamag-anak nila Niño Muhlach tungkol sa nangyari.
Nakatanggap na rin ng pormal na reklamo ang GMA Network mula sa kampo ni Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA independent contractor na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Nag-umpisa ang lahat sa blind item sa diumano’y insider ng GMA dahil alam ang detalye ang mga pangyayari.
Narito ang buong statement ng Kapuso Network :
“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.
“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.
“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.
“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”
Maraming nagkakalat na kuwento tungkol sa mga diumano’y pangyayari at may mga detalye.
- Latest