Franki, hindi na tuloy sa Miss Universe

Franki Russell

Sayang naman hindi na makakasali si Franki Russell sa Miss Universe. Kaya naman unpinned na ang sashing ceremony post ni Franki sa kanyang Instagram account.

Binigyan ng titulo ang Filipina-Kiwi actress noong Marso na minsan din na-link kay Presidential son and Cong. Sandro Marcos.

Kinansela nga ng Miss Universe New Zealand franchise holder, House of Yugen, ang kanilang prangkisa para sa taong ito.

Ginawa ng kanilang Managing director Ian Borromeo ang anunsyo sa pamamagitan ng opisyal na pahayag na may petsang Hulyo 30.

“As a result of our team’s non-compliance with a specific order from the Miss Universe Organization, we have decided to cancel the franchise held by Yugen PR for Miss Universe New Zealand for 2024,” sabi ng holder nito.

Si Franki ay ipinanganak sa isang New Zealander-European na ama at isang Filipina na ina. Lumaki siya sa Dunedin, New Zealand.

 

Show comments