^

PSN Showbiz

Rhian, mas pinili ang basura kesa mag-workout

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian, mas pinili ang basura kesa mag-workout
Rhian Ramos

Ang bongga naman ng Sang’gre star na si Rhian Ramos na nag-volunteer na maglinis pagkatapos ng bagyong Carina.

Isa ang aktres sa mga artistang may mabubuting puso at sinakripisyo ang oras para tumulong sa mga naging biktima ng katatapos lang na super typhoon.

Ipinost niya sa social media ang video kung saan nilantad niya na nakansela ang taping nila at may pagkakataon siyang gawin ang kanyang usual na workout routine pero mas pinili niyang sumama sa pagtulong na maglinis sa mga lugar na binaha para sa kaligtasan ng mga tagaroon.

Mas pinili nga raw niyang magbuhat ng basura na dala ng baha kesa magbuhat ng weights.

Kasama ang karelasyong si Sam Verzosa ay sumama sila sa clean-up drive sa Quezon City at nakipag-coordinate sa local government at MMDA para maglinis ng araw na iyon.

Nagpasalamat nga ang aktres sa iba pang mga tumulong sa clean-up drive at nakaka-uplift daw na makita ang mga heavy equipment at cleaning professionals na mula sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila na tumutulong na maglinis sa kalye ng Quezon City.

Napa-hats off din siya sa ilang mga opisyal sa mabilis na pag-aksyon ng mga ito na nagawa ang mahigit na tatlong araw na trabaho ng wala pang isang araw.

Nagpasalamat din siya sa kanyang booboo na si Sam at sa mga kaibigan at tagahanga sa tulong at suporta ng mga ito.

Napuri naman siya ng mga tagahanga sa ginawa niya na bagay na bagay raw sa kanya ang maging misis ng isang pulitiko. Kaya lang sinabi nito kamakailan na wala pa raw silang plano anytime soon na magpakasal at ine-enjoy pa nila ang pag-travel.

Meron din namang basher ang nagsabi na hindi na raw dapat nitong ipag-ingay ang pagtulong pero dinepensahan ng kanyang mga tagahanga.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with