^

PSN Showbiz

Bersyon ng lagayan ng gamot kay Sandro, nagdadagsaan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bersyon ng lagayan ng gamot kay Sandro, nagdadagsaan!
Sandro Muhlach

Ang dami nang naglabasang kuwento tungkol sa diumano’y nangyari sa baguhang aktor na itinuturong anak ni Niño Muhlach.

Isyung diumano’y panghahalay ng dalawang independent contractors sa aktor na nangyari pagkatapos ng afterparty ng GMA Gala.

Naglabas na uli ng statement ang GMA 7 kahapon na kung saan binanggit na ang pagsampa ng complaint ni Sandro Muhlach laban sa itinuturong ‘independent contractors’ na sina Jojo Nones at Richard Cruz.

Wala na silang maibabahagi pa dahil sa hiling ni Sandro ng confidentiality sa imbestigasyon.

Pero ang dami nang naglabas ng kuwento na akala mo nandun sila nung nangyari ang diumano’y ‘krimen.’

Maaring may nakausap sila sa kampo ng pamilya Muhlach o meron din talaga silang reliable source. Pero mahirap mag-confirm dahil sa iniimbestigahan pa rin ito.

Nagtanung-tanong na rin ako sa ilan pang mapagkatiwalaang sources, pero hindi ibig sabihin tama ito.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, magkasama raw talaga sina Nones at Cruz, pero isa sa kanila ay hindi naman daw imbitado sa GMA Gala. Kumbaga, isinabit lang ang isa at maaring malapit sa ilan sa mga big boss kaya nakapasok at nabigyan ng upuan sa naturang pagtitipon.

Hindi lang namin ma-gets kung ano talaga ang pakay ng isa sa kanila na nagdala raw ng gamot na pampatulog. Itong si uninvited IC daw ang may dala ng gamot.

Ang kuwento kasing nakarating sa amin, may inilagay na gamot sa inumin ni Sandro, kaya nakatulog ito at hindi na alam kung ano ang ginawa sa kanya.

Ayon kasi sa kuwentong nakuha namin, nangyari raw ito pagkatapos na ng afterparty at parang mga alas-tres ng madaling araw na raw ‘yun.

Nagkakayayaan pa raw silang mag-inuman sa kuwarto ng dalawang independent contractors.

Sinabi raw nitong uninvited na IC kay Sandro na umakyat sa kanilang kwarto sa hotel malapit sa Marriott na pinagdausan ng gala, dahil nandun naman daw ang ilan pa niyang kasamahan.

Pero nagulat daw si Sandro na pagpasok niya ng kuwarto ay siya lang pala ang nadun kasama sina Nones at Cruz.

Nagtiwala naman daw si Sandro dahil parang tito-tito na ang turing niya sa dalawa.

Pero hindi raw niya alam kung ano ang inilagay sa ipinainom sa kanya dahil wala na raw siyang alam kung ano ang nangyari.

Hindi raw niya alam kung nawalan siya ng malay o nakatulog siya. Pero nang nagising daw siya, nagulat daw siya na hinahawak-hawakan na raw siya ng isa sa dalawang suspect. Ayaw sabihin sa amin ng aming source kung anong bahagi ng katawan ni Sandro ang hinahawak-hawakan nito, at kung meron pang masahol na ginawa sa kanya.

Pero natakot daw si Sandro na nakiusap na tigilan na, dahil naghihintay na raw ang girlfriend niya sa ibaba ng hotel.

Sabi ng aming source, isa lang daw ang may ginagawang kahalayan kay Sandro, ‘yung isang independent contractor daw ay walang ginagawa. Pero ayaw maniwala ng kampo ng baguhang aktor na wala itong ginawa. Kaya patuloy pa itong iniimbestigahan sa ngayon, kung ano talaga ang totoong naganap.

Sa ngayon ay under preventive suspension daw muna ang dalawa habang gumugulong ang imbestigasyon. Pero ang isa sa narinig namin ay magsasampa pa rin daw ng kaso ang pamilya ni Sandro, kaya humingi na ito ng legal advice.

Pero, bilang humingi naman ng confidentiality si Sandro sa isyung ito, mas mabuting sigurong tumigil na rin muna sa pagpo-post ng cryptic messages ang pamilya niya alang-alang na rin sa kapakanan ng baguhang aktor.

Dahil sa kasong ito, muli na namang nauungkat ang iba pang kuwento na hindi na lumaki kagaya nitong kay Sandro.

Ang iba kasi ay tahimik na lang at ayaw na nilang maging kaso pa. Pero mas mabuting hindi lang itong kay Sandro ang imbestigahan ng GMA 7 kundi ang iba pang naririnig naming kuwentong nangyari hindi lang sa nakaraang GMA Gala.

vuukle comment

SANDRO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with