^

PSN Showbiz

Preventive suspension!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Totoo bang naka-preventive suspension muna ang dalawang Creative Heads ng GMA na kung tawagin ngayon ay “independent contractors” habang nagaganap ang proseso ng imbestigasyon? Balitang kinakalap lahat ng posibleng pruweba pati na ang CCTV video ng hotel pati na ang mga posibleng saksi rito sa naganap na “midnight snack.”

Ngayong dumaraan na sa proseso ang lahat, maniniwala na lang tayo sa statement ng GMA na they will be conducting the investigation with the highest standards of fairness and impartiality! ‘Yun na!

ASAP, sold out sa L.A.

Sold out na ang ASAP sa L.A. at magandang pagtitipon ito ng pinakasikat at pinakamagagaling na mga artista natin sa bansa. ‘Di ba’t magandang matutunan din ng GMA 7 at TV5 ang best practices ng Kapamilya network with their TFC para naman buo ang experience at talagang tatauhin at well promoted ang shows hindi katulad ng mga huling nabalitaan natin, ‘di ba?

Cinemalaya, inaabangan ang kapalaran

Kumahog na sa tickets ngayon sa Cinemalaya XX at talagang kailangang dumaan sa Sure Seats ng Ayala? Mas ok ba na Ayala Manila Bay ang sentro ng aksyon ngayon kumpara sa PICC last year? Hindi ba masyadong malayo?

Malalaman natin ‘yan mamaya sa pagbubukas ng pinaka-popular na indie festival. Kaninong pelikula ang mas papaboran ng publiko at kritiko - kay Marian Rivera ba o Mylene Dizon or Jane Oineza or indie darlings na sina Gabby Padilla o May Fanglayan? Abangan!

Eraserheads tour, nagka-isyu sa bentahan ng tickets

Hit ba talaga ang Eraserheads Tour sa Hawaii? May nakarating na reports sa atin reporting otherwise, even to the point of returning tickets daw? Saan nagkaroon ng miscommunication o miscoordination kaya? Based on the photos at reaction sa social media, ok naman ang kinalabasan sa ibang cities. Pero bakit naiiba ang nangyari sa Hawaii kaya?

Nakakataquote:

Mula sa Palanca Award-Winning writer Nicolas Pichay on the Olympics : “Malungkot ako’t kailangang nating umangkas sa tagumpay ng Pinoy na lumaki sa ibang bansa upang maambunan ng dangal ng iba.”

At nag-react ang nanay ni Atom Araullo na si Carol Araullo ng, “Kahit na ang lumaki sa Pilipinas pero napilitan na magtreyning sa ibang bansa at kung ganun mag-compete sa ilalim ng bandila ng ibang bansa at nagkamit ng mga medalya… aangkinin natin kahit na hindi niya nakuha ang suporta sa loob ng bansa para umunlad sa kanyang sport.”

Basta tayo dito sa PSN, nananalangin tayo na sana magkaroon na tayo ng Olympic medal soon. Mag-iisang linggo na kasi, medyo inaalat pa rin tayo. Good luck!

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with