Marian, hindi takot tumanda

Marian Rivera

MANILA, Philippines — Turning 40 years old na si Marian Rivera sa Aug. 12. Walang kupas ang ganda, ‘di ba?

Sa nakaraang interview kay Yan, forever grateful siya sa lahat ng nangyayari sa kanya, anak at asawa.

Pero siyempre, ang family ang kanyang priority hanggang ngayon. Eh nandiyan naman ang GMA na sumusuporta sa kanyang trabaho at ang Triple A na namamahala sa kanyang career!

Hindi takot tumanda si Marian dahil lahat naman eh doon papunta. Ang mahalaga, memorable ang bawat taon na lumilipas!

Advance happy birthday, Reyna Marian!

Kingdom..., uumpisahan na

Nagsimula nang mag-ocular ang production ng Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual.

Sa Cavite ang ginawang ocular eh dahil may gagawing setup para sa movie, kailangan nilang out of town ang shooting.

Comeback sa filmfest ito ni Bossing Vic habang si Piolo eh second time after ng last year niyang movie na Mallari.

Kasama rin sa movie sina Sid Lucero, Sue Ramirez at Cristine Reyes mula sa direksyon ni Mike Tuviera. 

Show comments