Huling-huling sa camera ang lips to lips nina Sen. Win Gatchalian at Bianca Manalo sa Senado.
Bumisita nga si Ms. Bianca sa Senado at habang nasa upuan siya ay nilalapitan ang actress ng ibang senador para magbye-bye nung paalis na siya.
Pero nang mag-speech si Sen. Sonny Angara now DepEd Sec., nasa likod sila ng camera at huli ang tukaan nila ng senador na karelasyon.
Paliwanag ni Bianca, wala silang malay na nahagip sila ng camera nung nagpapaalam na siya sa BF. “First time to visit @stgatchalian74 at the Senate floor today. They were saying their thank yous and goodbyes to Senator, now our DepEd Secretary @sonnyangara
“I had to leave already, because I have a play to watch at the GSIS theater, which is behind the Senate building. We kissed goodbye. We didn’t know we will be seen on the monitor while Secretary Sonny was having his goodbye speech. (it’s the last photo) iiiiiiiiiiiiiih,” buong post ni Ms. Bianca.
Napa-comment naman si DepEd Sec. ng “Tamis tamis!” kasama ang mga emoticon na langgam.
At nag-post pa siya: “Marami palang na enganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together”
Nagpaalam na sa Senado si Sen. Angara na itinalagang Secretary ng Department of Education.
Anyway, kasal na lang ang hinihintay kina Sen. Win and Ms. Bianca para maging member na rin siya ng Senate Spouses Foundation Inc. na kasalukuyang pinamumunuan ni Heart Evangelista na noong isang araw nga ay nag-donate siya (Heart) ng P1.5 million matapos ibenta ang isang Hermès Kelly Sellier bag na may pinta niya.
Na tiyak na magiging aktibo si Bianca oras na maging misis na siya ni Sen. Win.