^

PSN Showbiz

Pokwang, nahuli sa sariling bibig!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pokwang, nahuli sa sariling bibig!
Pokwang
STAR/File

Kasabay ng pag-trending ng mga eksena sa seryeng Pulang Araw ay kinonek ng aktres-host na si Pokwang ang sarili sa isang eksena roon.

Ipinost ng niya ang eksena kung saan lumapit ang karakter ng gumaganap na batang Alden Richards sa tatay niyang hindi sila pinanindigan ng kanyang nanay na ginanapan ni Rhian Ramos. “grabe relate kami ni Malia sa eksenang ito! Kung sa bagay kailan kaba naging ama para sakin?????? OUCH!!! #PulangAraw,” caption ni Pokwang sa kanyang post.

“Ang galing grabe!!! Congrats @gmanetwork,” dagdag pa niya.

Hindi naman nagustuhan ng netizens ang post niya na tila hindi pa rin ito nakaka-move on at hindi pa rin makalimutan ang ex na si Lee O’Brian.

Komento nga ng netizens na nakasubaybay sa mga pahayag ng aktres, ito na nga mismo ang nagsabi na alam nitong ayaw magkaanak ni Lee noon at nang manganak siya ay pinilit daw nitong magpakaama sa anak na si Malia. Alam daw ni Lee noon na hindi niya nakikita ang sarili ng pagiging responsableng ama kaya kanino raw kaya ito dapat isisi?

Kaya naloloka raw ang mga tagahanga niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tapos sa mga hanash sa ex na napagtagumpayan niya na sa pagpapa-deport.

‘Happiest days’

Siguro nga tapos na ang era na naging happiest time namin nina Douglas Quijano, Ethel Ramos, Ricky Lo, Mario Bautista at iba pa.

Alam n’yo ba na kami ni Douglas ang nagbigay ng name na ‘Father’ kay Remy Monteverde. Kasi nga tinatawag naming Mother Lily ang asawa niya, hindi naman namin siya matawag na Mr. Monteverde. So we decided na ‘Father’ ang itawag kay Remy Monteverde.

Siguro I can say na ‘yung happiest days ko sa showbiz was the time nasa Regal kami. All the wonderful times, happy beautiful days talagang dun nag-umpisa.

Kaya siguro naging maganda ang buhay ko, dahil sa malaking tulong ni Mother Lily Monteverde.

So grateful talaga na naging part ako ng Regal Family. Hindi ko makakalimutan ‘yan.

Talagang malaking utang na loob ko sa mga Monteverde where I am now. Kaya naman, all my condolences, I honor your sadness for the demise of Father Remy Monteverde, my dear Mother Lily, Roselle and Meme. My heart is with you.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with