^

PSN Showbiz

Ate Vi, ayaw munang mag-MMFF

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, ayaw munang mag-MMFF
Vilma Santos
STAR/File

Nag-post ang dalawang film production noong July 30 tungkol sa sisimulang proyekto na sa pagkakaalam namin ay pagbibidahan ni Ms. Vilma Santos.

Ipinost ni Atty. Joji Alonso sa kanyang Facebook account ang pre-production meeting ng film project nilang Espantaho na ididirek ni Chito Roño.

Ang pagkakaalam namin ay ito ang pelikulang pagsasamahan nina Ate Vi at Judy Ann Santos. Isinumite ang script nito sa Metro Manila Film Festival (MMFF), pero hindi nakapasok sa limang napili. Pero tuloy pa rin ang shooting at baka nga i-submit nila ito sa finished films.

Ibinahagi ni Atty. Joji sa kanyang FB post kung gaano siya ka-excited sa film project na ito na sinulat ni Chris Martinez, at first time nilang mag-collaborate ni direk Chito Roño.

Hindi nakasaad sa post kung sino ang mga artistang involved. “Thank you Lord for this day, our first day. You and only you, have witnessed the roller coaster of emotions I have been through. I lifted everything to you and you have stirred me towards this path. To God be th glory! On its 20th year of filmmaking, Quantum Films and its partners have a new film. And really big one, at that! With a star studded, award winning cast. Ssshhhh. To be revealed soon.”

Nung araw din ay ipinost sa FB page ng Project 8 Projects ang production meeting nila sa Star for All Seasons. “Wait whuuut!! looks like we’re doing a movie with THE Vilma Santos.”

Nasa litrato si Ate Vi kasama si Bryan Dy ng Mentorque Productions at si direk Dan Villegas.

So ito kaya ang unang gagawin ng Star For All Seasons? Paano ang Espantaho ni direk Chito Roño?

Matipid ang sagot ni direk Dan Villegas nang nakorner ko siya sa nakaraang presscon ng Cinemalaya Bente na ginanap sa Metropolitan Theater.

“Tingnan po natin. Abangan po. As of now inaayos pa po namin ‘yung script tapos ipe-present na po namin sa kanya,” sabi lang ni direk Dan.

Hindi rin daw niya alam kung isa-submit ba nila ito sa MMFF 2024.

Hindi na rin namin kinulit si Atty. Joji kung sino na ang nasa final cast dahil ire-reveal naman daw nila soon.

Pero sinagot naman ako ni Ate Vi nang tinanong ko siya tungkol dito.

Aniya; “Wala po muna akong commitment for movie sa MMFF!! ‘Yung sa amin ni Judy Ann ni-revise pa ang script, but hindi nakapasok script sa first 5.

“Mula naman noon alam nila na I’m having a meeting too with sila direk Dan for a movie too... Atty. Joji made mention to me na I can go on at tuloy ko na din negotiation ng movie with direk Dan at Mentorque!

“Direk Chito told me to finish reading the revised script ESPANTAHO… kasi puwede di din pang festival… May PERSONAL TALK DIN KAMI NI JUDAY!!! So question mark na lahat sumunod na pangyayari!!

“Had meeting with direk Dan and the team last night regarding a movie… pero wala sa isip na pang-MMFF! Kung matuloy… sabi ko… ang importante makagawa ng isang magandang movie na walang pressure!!! Kasama sa usapan yun!!!

“If it’s meant to be… it will happen. Pag hindi… hindi mangyayari. Atty. Joji and direk Chito, at Juday ay mga special na tao sa akin!!! Alam nila yun!! Hindi lang nagtutugma ang mga nangyayari sa ngayon!!!”

Parang na-gets ko na kung alin ang ipa-prioritize ni Ate Vi na film project. Pero mas mabuting hintayin na lang ang kanilang official announcement.

Aktres, windang ang sked dahil sa breakup nila ng madatung na aktor

Medyo nagdududa pa kami sa nasagap naming balitang hiwalayan ng matagal na ring magkasintahang madatung na aktor at magaling na aktres.

Nakikita pa rin kasi sa kanilang social media account na nagpa-follow sila sa isa’t-isa at nandun pa rin ang mga post nilang magkasama.

Pero ‘yun nga lang, walang recent posts na magkasama.

May ilang events at mahahalagang projects si aktres na wala roon ang kasintahang aktor.

Kamakailan lang ay nagbukas ang pelikula niya, at wala si aktor sa premiere night para sumuporta kay magaling na aktres.

Nahahalata na rin daw ng co-stars nito na tila may pinag­dadaanan si aktres, dahil lagi raw nitong pinapapa-move ang schedule ng promo at ibang events.

Ang latest na nasagap namin, may bagong girlfriend na raw si madatung na aktor na nasa hanay raw ng pulitika.

Pero hindi pa po namin sure ‘yan. Aalamin pa!

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with