^

PSN Showbiz

Kontrobersya sa panghahalay sa baguhang aktor, ilalaban ng buong angkan!

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Kontrobersya sa panghahalay sa baguhang aktor, ilalaban ng buong angkan!
Niño Muhlach
STAR/File

All caps ang post ng nanay ng artistang sinasabing biktima ng panghahalay ng dalawang creative heads ng Kapuso network. Ang sabi’y, “PINALAKI AT ININGATAN NAMING MABUTI ANG AMING MGA ANAK NA PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAG AARUGA TAPOS WAWALANG HIYAIN LANG NG MGA KUNG SINONG TAO NA NILAMON NG KADEMONYOHAN SA KATAWAN PARA MAGAWA YUNG GANUNG KLASENG KABABUYAN!

“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA! WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!

“SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA! ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN!

“#JUSTICESHOULDPREVAIL”

Maging ang tatay nitong si Niño Muhlach ay nag-post ng ganito – “Inumpisahan niyo, tatapusin ko.”

Ang tanong: Ano kayang aksyon ang gagawin ng network?

CONSENSUAL. Ibig sabihin, pinagkasunduan. May pahintulot. Totoo bang ito raw ang claim ng dalawang GMA creative heads na nababanggit sa reports ng panghahalay sa isang baguhang aktor na anak ng isang kilalang aktor?

Totoo bang pinagkasunduan? At may pahintulot? Bakit may issue kung gayun?

Technically pa rin kasi may power relations ang nasabing creative heads at ang baguhang aktor: Direktor at head writer, so sa isang corporate setup, may bahid at batik ‘yun! Paano kaya ito iha-handle ng GMA network na may history na rin ng pagiging allergic sa ganitong sexual harassment cases. Abangan!

Kung consensual nga – at may power relations pa rin, paano na lang ‘yung mga lumutang muli na mga kuwento tungkol sa GMA Gala noong isang taon naman at Christmas party na meron ding isang head writer na gumawa rin ng ganitong kababalaghan sa lasing na baguhang aktor?

Sinasabing malakas daw sa mga boss ang natu­rang head writer kaya nananatili siya at namamayagpag sa network hanggang ngayon. Dapat masawata ang ganito at maging babala sa mga magtatangkang gumawa pa nito muli.

Ang tanong ng netizens: ‘Pag good news, emple­yado nila. ‘Pag bad news, independent contractor tawag sa kanila? Ganu’n ba talaga?

Nakakataquote:

“Sa aming lahat, si David ang pinakamalaking itinalon in terms of performance, in terms of portraying his character.” – Alden Richards on David Licauco in Pulang Araw

vuukle comment

NIñO MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with