^

PSN Showbiz

Heart, nag-donate ng P1.5 million

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Heart, nag-donate ng P1.5 million
Heart Evangelista sa Senate Spouses Foundation Inc.
STAR/File

MANILA, Philippines — Tumatagintig na P1,500,000 ang donation ni Heart Evangelista sa Senate Spouses Foundation Inc. (SSFI) para sa future projects ng foundation na kanyang pinamumunuan. Ibinenta niya ang isa sa kanyang hand-painted bags at ang proceed noon ay diretso sa SSFI.

Sina Kat Pimentel, wife ni Senator Koko Pimentel at Nancy dela Rosa, wife ni Senator Bato dela Rosa, ang tumanggap ng donation ni Heart. Hermes ang nasabing bag na ibinenta ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Sabi nito, “Turning my passion projects for good. The proceeds of this #lovemariehandpaintedbags from my personal collections will continue to bless more hearts in need.

“Through the collective efforts of our generous donors, members of the Senate Spouses, and our other partners, may we continue to extend help to those in need.”

Ang daming pumuri sa ginawa niyang ito at tinawag siyang Philanthropist at may nag-wish na sana mahawa niya ang ibang politician na mag-donate at gumawa ng mabuti para sa mga kababayan nating kailangan ng tulong.

Ang kaibahan lang, walang maraming designer bag ang ibang politician. Eh, si Heart, lahat ng designer bag meron siya. Ito ngang bag na ibinenta niya, P1.5 million na ang halaga.

Samantala, marami na ang naghihintay sa magiging project niya sa GMA Network sa pagre-renew niya ng kontrata. Nababanggit ni Alden Richards na gusto niyang makatrabaho si Heart, ang tagal na raw niya sa GMA, hindi pa niya ito nakakatrabaho.

Bagay ba silang magtambal?

Rhian, pa-conyo sa mga binaha

Kahit si Rhian Ramos, hindi ikinatuwa nang marinig ang video niya na pa-conyo ang kanyang pagsasalita. Example ng dialogue niya, “Kasi so much needs to be done after ng bagyo” at “Ang buong Metro Manila po is now co­vered in, not just tubig baha, but also basura. Jusko Lord ang sakit sa tenga.”

Ang video na tinukoy ni Rhian ay noong nag-clean up drive sila ng boyfriend na si Sam Verzosa sa 4th district sa Quezon City at tama naman ang netizens. Hindi niya kailangang baguhin ang kanyang pananalita para lang sabihing maka-masa siya.

Masarap nga raw sa tenga na pakinggan siyang magsalita na may pagka-conyo. She has a beautiful heart daw na kahit sa Makati City yata siya nakatira, tumulong siya sa Quezon City.

Biniro lang siya na baka magalit sa kanya si Fina na name ng karakter niya sa Pulang Araw na pinapalo ng tsinelas ang mga anak kapag nagpapasaway.

Samantala, hindi na lang sa Netflix mapapanood ang Pulang Araw dahil mapapanood na rin ang historical drama series sa isa pang streaming platform na Prime Video.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with