Junior actor na hindi magaling umarte, may ipinakita sa sex video

MANILA, Philippines — Kumakalat ang sex video ng isang junior actor na nagbibida na rin sa TV series. Matangkad at makinis ang kutis ng aktor na may artista ring dyowa!

Maganda ang mukha ng aktor. Kulang sa acting kaya bihira mabigyan ng break sa mga series.

Eh ayon sa nakapanood ng video, may ipagmamalaki naman si junior actor kaya hindi siya dapat mahiya lalo na’t dumarami na sila!

Ate Vi, sure na ang movie this year

Inalala ni Vilma Santos-Recto ang showbiz at political career niya nang maging guest speaker siya sa Department of Foreign Affairs Service Institute kahapon.

Every Wednesday ito ginagawa ng DFA pero hindi lang invited speaker ang nakikita kundi pati singers, dancers at iba pa.

Ipinaalala ni Ate Vi na sa isang tao, dapat eh may hard work, smart work at grace of God sa buhay. Nagawa niya ito sa showbiz at political career niya.

Hindi nga lang niya nabanggit kung babalik siya sa Batangas bilang politician sa elections 2025.

Basta pangako ni Ate Vi, muli siyang gagawa ng bagong movie this September pero walang detalyeng ibinigay hanggang sa umalis kami sa event ng DFA.

Show comments