^

PSN Showbiz

Mga sikat sa teatro, bubuhayin ang Tony Award-winning duo sa NWR

Pilipino Star Ngayon
Mga sikat sa teatro, bubuhayin ang Tony Award-winning duo sa NWR
Magbabalik ang Do You Hear The People Sing? concert sa Agosto 2 at 3 sa award-winning Newport Performing Arts Theater. Bago ang pagtatanghal, nagpasilip ang mga artist kung ano ang maaaring asahan ng mga manonood.
STAR/File

MANILA, Philippines — Magsasama-sama ang mga bituin ng teatro mula sa West End ng London, Australia, at Pilipinas upang buhayin ang iconic musicals ng Tony Award-winning duo na sina Alain Boublil and Claude-Michel Schönberg sa entablado.

Magbabalik ang Do You Hear The People Sing? concert sa Agosto 2 at 3 sa award-winning Newport Performing Arts Theater. Bago ang pagtatanghal, nagpasilip ang mga artist kung ano ang maaaring asahan ng mga manonood.

Ang internationally acclaimed production ay pinangunahan nina Abigail Adriano and Nigel Huckle, na bumida sa international tour ng Miss Saigon kamakailan. Ang West End star na si Bradley Jaden ay nakilala sa kanyang pagganap bilang Javert sa Les Misérables at ang Australian-American soprano Amy Manford, na gumanap bilang Christine Daaé sa The Phantom of the Opera.

Ang partikular na highlight ng upcoming show ay ang premiere ng bagong kanta nina Boublil and Schönberg na Someday, na gagampanan ng Filipino-Australian actor na si Abigail Adriano.

Samantala, sabik si Nigel Huckle, na kilala ng Filipino thea­tergoers sa kanyang Miss Saigon 2024 at Les Misérables 2016 performances, na muling makabalik sa bansa.

Naaalala naman ni Bradley Jaden ang Pilipinas sa mga masigasig na theatre fans sa panahon ng kanyang stint sa Manila production ng Wicked noong 2017. Gusto niyang maging inspirasyon sa susunod na henerasyon ng Filipino talent sa rendisyon niya ng Boublil and Schönberg’s classics.

Habang determinado naman si Amy Manford, na nabibighani pa rin sa Sydney Opera House edition ng Do You Hear The People Sing?, na muling likhain ang live concert expe­rience para sa Filipino audiences.

Sampung taon mula nang magtanghal noong 2014, ang Philippine theater luminary na si Carla Guevara Laforteza ay karangalan na maimbitahang muli na mag-perform na naka-duet na ang Broadway superstars na sina Lea Salonga and David Harris.

Sa ilalim ng baton ng conductor na si Gerard Salonga, ipagdiriwang nila ang mga gawa nina Boublil at Schönberg.

Ang Philippine leg ng Do You Hear The People Sing? ay inorganisa ng Newport World Resorts at producer na si Enda Markey, sa pakikipagtulungan sa Metrobank VISA.

Available na ang tickets sa lahat ng TicketWorld at SM Tickets outlets: P27,750 (PLATINUM), P25,530 (SVIP), P22,200 (VIP), P14,430 (GOLD), P11,100 (SILVER), at P5,550 (BRONZE).

vuukle comment

AUSTRALIA

LONDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with