Mga unang nominado sa Pinoy Big Brother Gen 11, pagbobotohan!

Dylan, Therese at Noimie
STAR/File

MANILA, Philippines — Nakilala na ang mga unang nahaharap na ma-evict sa bahay ni Kuya matapos mapasama sa first batch of nominees sina Therese, Noimie, at Dylan sa Pinoy Big Brother Gen 11.

Sa nagdaang episode nito noong Linggo (Hulyo 28), dumaan sa unang nomination ang 15 housemates ni Kuya, kung saan nanguna sa mga nominado ang “Determined Daughter ng Camarines Sur” Therese Villamor na nakakuha ng 13 points. Nominado rin ang “Mombitious Chikadora ng Lithuania” Noime Steikunas, na may 12 points.

Samantala, napatawan naman ng automatic nomination ang “Astig Volleybae ng Pampanga” na si Dylan Yturralde matapos magdesisyon ang housemates na mapasama siya sa listahan ng mga nominado bilang resulta sa nabigo nilang weekly task.

Sa unang linggo ng kanilang panunulu­yan, humarap ang housemates sa samu’t saring pagsubok, kabilang ang pagbaha sa bahay ni Kuya dahil sa hagupit ng bagyong Carina at ulang habagat. Agad din silang nag-alay ng awitin bilang inspirasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.

Pinuri naman ni Kuya ang kanilang katata­gan at pakikipagtulungan, at inanunsyong silang lahat na house guests ay magi­ging opisyal na housemates ng PBB Gen 11.

Sino kaya kina Therese, Noimie, at Dylan ang unang lalabas sa bahay ni Kuya? Alamin sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Gen 11 ngayong Sabado (Agosto 3) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.

Show comments