^

PSN Showbiz

Yilmaz Bektas, dumamay kay Ruffa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Yilmaz Bektas, dumamay kay Ruffa
Alexa Gutierrez at Ruffa Gutierrez

Straight to wake ni Alexa Gutierrez si Ruffa Gutierrez from the US. Si Alexa ay wife ng kapatid niyang si Elvis na namatay dahil sa Leukemia.

At kabilang din sa nakiramay sa kanilang family si Yilmaz Bektas sa pamamagitan ng Instagram stories. “As the Bektas fa­mily we share the pain of the loss of the Gutierrez family. As the Bektas family, we offer our condolences to the Gutierrez family. Yilmaz Bektas.”

Matagal ‘ding ‘di ok si Ruffa at ex-husband.

Samantala, nagluluksa ang Philippine entertainment industry sa pagkawala ni Leonardo “Remy” G. Monteverde, asawa ng film producer at may-ari ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde.

Naaalala si “Father Remy” bilang isang mapagmahal na asawa ni Mother Lily, isang haligi ng lakas at gabay sa kanyang mga anak, at isang minamahal na lolo at lolo sa tuhod.

Ang kanyang legacy ay nabubuhay sa pamamagitan ng kanyang mga anak, kabilang si Roselle, na nagpapatuloy sa tradisyon ng pamilya sa Regal Films; Dondon, na gumawa ng kanyang marka sa industriya sa Reality Films; at Coach Goldwin, na namumuno sa UP Fighting Maroons, Winston at Sherida, na namamahala ng Imperial Palace Suites.

Ang wake para kay Father Remy ay gaganapin sa 38 Valencia Events Place sa Quezon City mula Hulyo 30 Martes, hanggang Agosto 2, Biyernes.

Ang mga oras ng pagbisita ay mula 10:00 a.m. hanggang 11:00 p.m., na may araw-araw na misa sa 7:00 p.m.

ACTRESS

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with