^

PSN Showbiz

Gamot ni Gerald, pinagtalunan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gamot ni Gerald, pinagtalunan!
Gerald Anderson

Marami ang naging concern sa kalusugan ng aktor na si Gerald Anderson matapos siyang tumulong na mag-rescue sa mga biktima ng baha noong kasagsagan ng bagyong Carina.

Nagpasalamat ang karelasyon ni Julia Barretto sa mga nag-alala sa kanya.

Ipinost niya ang litrato hawak ang dalawang gamot na may caption na “Last day of meds. From the bottom of my heart, thank you everyone for all the love & concern.”

Maaalalang lumusong siya sa baha noong bagyong Carina at marami nga ang nag-alala dahil maraming sakit ang maaaring makuha niya sa baha pero hindi siya nagdalawang-isip na tumulong sa pag-rescue.

Aliw naman ang mga netizen na nagpaka-doctor na pinagtalunan pa ang gamot na dapat niyang inumin para maiwasan ang mga sakit gaya ng leptospirosis.

Sagot naman ng isang netizen ay hindi naman engot ang doctor nito sa pagreseta ng dapat niyang inuming gamot at pinatigil ang pagmamarunong ng iba.

Siguradong mata-touch naman ang aktor ‘pag nabasa niya ang pagtatalo ng netizens na hangad lang ay maging ligtas siya.

Pinasalamatan naman siya ng mga ito sa serbisyo nito at pinanindigan ang pagiging Philippine Army Reservist nito. Sana raw ay tularan pa siya ng ibang reservist na hindi nagpakita nung bagyo.

Talagang wala raw palya ang Kapamilya actor sa pagtulong na ginawa na rin niya noon sa Bagyong Ondoy. Bongga.

‘No regrets…’

Naiinis na ako sa medical condition ko. Iyon bang supposedly wala kang sakit pero nahihirapan kang huminga at kung minsan hinang hina ang katawan mo. ‘Yung quality of life talagang wala na sa iyo kaya kung minsan naiisip mo, what for?

Kaya nga ‘pag iritable ako dahil nahihirapan ako talagang gusto ko nang sana tapos na lang lahat. Nakakainis kasi na bakit meron ganitong physical pain kung wala ka naman major na sakit. Talagang ‘pag gabi na hindi ako makatulog dahil hirap akong huminga, talagang pumapasok sa isip ko mga bagay na hindi dapat.

Tutal naman 77 na ako, masarap naman ang naging karanasan ko sa buhay, no regrets, kaya ok lang. If you cannot enjoy na your life dahil sa physical pains ano pa ba ang gugustuhin mo.

So grateful na umabot ako sa ganitong edad, very thankful sa magagandang bagay na dumating sa buhay ko. Basta I live everything to God, kung ano ang palagay niyang mabuti para sa atin, willingly accept it. To God be the glory.

vuukle comment

ACTOR

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with