^

PSN Showbiz

Tatay nakipag-usap na raw sa abogado baguhang aktor, biktima ng sexual harassment ng bading na TV execs!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka ang pinag-uusapang kuwento na diumano’y sexual harassment na involved ang dalawang bading na TV executives at ang baguhang aktor.

Kilala sa showbiz ang ama nitong baguhang aktor, kaya ang daming nagkainteres sa tsismis na ito na lumabas sa isang blog.

Kalat na kalat na at mainit na pinag-uusapan sa TV network na kinabibilangan nila at ang latest na narinig namin ay iniimbestigahan na raw.

Hindi naman nagsasalita ang baguhang aktor, pero nakikita na sa ilang post niya sa social media na tila may pinagdadaanan ito.

Meron siyang post ng sad face, at merong Bible verse na tumutukoy sa isang helpless na tao.

Hindi detalyado ang kumalat na kuwento, pero nangyari raw ito sa isang malaking pagtitipon at pinagsamantalahan daw ng dalawang bading na TV execs ang kahinaan nitong si baguhang aktor na nilasing daw nila.

Nang kumalat na ang balitang ito, pinag-usapan na raw ito ng management team ni baguhang aktor at baka isa sa mga araw na ito ay maglalabas sila ng statement kaugnay dito.

May mga nilapitan na raw ang ama ni aktor na mga maimpluwensyang tao at kumuha na raw ng abogado.

Tingnan natin kung aabot ito sa demandahan. Pero sa pagkakaalam namin ay iimbestigahan na ito ng kanilang TV network.

Dahil sa kuwentong ‘yan, nabuhay uli ang mga dating kuwento tungkol sa mga ganyang kaso, at naloka kami na may ganun din palang pangyayari sa ilang TV network.

May latest din nga na ganitong kaso na kinasangkutan ng isang TV news executive raw at ng isang guwapong empleyado ng naturang network. Umabot na nga raw ito sa pagpa-blotter sa pulis, pero wala na kaming balita kung ano ang sumunod na pangyayari.

Dahil diyan, muli na namang pinag-usapan ang “Me too” movement na nangyayari sa showbiz. Pero sa totoo lang, hindi lang naman sa showbiz ito nangyayari kundi sa iba pang sektor ng lipunan.

Magsisilbing aral lang ito sa mga mabibiktima na dapat ay ipaglaban nila ang karapatan nila.

Willie, ‘di pa umaangat ang rating!

Maganda ang feedback sa pilot episode ng Pulang Araw na napanood na sa GMA Primetime nung Lunes, July 29.

Apat na episodes na ang napanood namin sa Netflix at na-hook na kami kasi lalong gumaganda ang takbo ng kuwento.

Ang daming comments sa radio program namin sa DZRH na parang nag-time travel daw sila sa panahon ng giyera at may mga natutunan daw sila.

Pero marami pa rin ang nakatutok talaga sa Batang Quia­po, kaya mataas pa rin ang rating nitong teleserye ni Coco Martin.

Naka-16.8 ang Batang Quiapo, at 12.8 percent lamang ang Pulang Araw.

Pero tingnan natin kung tataas pa ito dahil paganda nang paganda ang kuwento nitong teleserye nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo.

Samantala, maaga na sinimulan ang Wil To Win nung Lunes, 4:30 ng hapon hanggang 6:30 ng gabi.

Pero lalo pang bumaba ang rating nito. Naka-1.8 percent lang itong programa ni Willie Revillame at ang tinapatan nitong Voltes V ay 4.7 percent at ang Family Feud ay 8.2 percent.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with