^

PSN Showbiz

Dating aktor, dinamay ang SB19 sa pagpapaka-relevant!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Dating aktor, dinamay ang SB19 sa pagpapaka-relevant!
Stell

Pasabog kung pasabog ang mga binitiwang salita ng dating aktor na si Robby Tarroza sa vlog ni Rommel Chika.

Medyo umay na pero lalo niyang idiniin ang dati niyang partner na si Joed Serrano ukol sa pag­loloko, hindi lang sa relasyon kundi sa business.

Bakit may strong feeling of resentment pa rin si Robby kay Joed? Hindi pa ba siya indifferent sa mga ganap ng ex? Hindi rin ba niya maiiwasang sumawsaw sa mga isyu ni Francis M at kahit sa Sharon Cuneta-Gabby Concepcion?

Masaya na ba talaga si Robby sa buhay niya? Sana.

Pati naman sina Stell at Pablo ng SB19 hindi rin pina­lampas ni Robbie, bakit? Para relevant din siya? Ayan tuloy, pumalag ang management ng SB19.

‘Di kaya lalong magiging curious ang mga tao at manonood ng bagong season ng The Voice sa GMA 7 dahil magkasama ang dalawa? Wagi, ‘di ba?

Aksyon ng network sa diumano’y pananamantala ng creative bosses, hinihintay na

May pagpapaliwanag na magaganap sa mga taga-GMA tungkol sa isiniwalat ng isang pa-blind item na diumano’y pananamantala ng network creative bosses sa young stars nito.

Ano kaya ang aksyon ng network na consistent na hindi pinalalagpas ang ganitong mga insidente tulad ng nangyari sa singer at musical director pati na sa isang aktor at direktor noon?

Paano kaya iha-handle ito ng network gayung kumausap na raw ng lawyer ang ama ng nasabing young stars nito?

Tuloy nauungkat ang mga naunang balita sa GMA rin noong mga nakaraang taon na Gala ukol sa mga aktor na na-check in din ang isang diumano’y creative head na kilalang malapit sa bosses at isang aktor na nalasing daw sa Christmas Party at pagkagising ay kasama rin ng naturang boss.

Nakakalusot nga ba ang mga ganito? Dahil ba may consent naman ito ng mga artista? Hindi ba’t harrassment pa rin kapag may power relations?

Nakakataquote:

Mother Lily, nagluluksa

“He has always been “Father” to all of us who grew up in Regal. And he has always been the strong silent figure beside the gregarious Mother Lily (Monteverde). Now he has gone home to the waiting arms of our Big Father. And he will be missed as much as he was and will always be loved. Rest in eternal peace, Father Remy Monteverde.” – FDCP Chair Jose Javier Reyes (Nakikiramay po ang pamunuan ng Pilipino Star NGAYON sa pamilya Monteverde.)

vuukle comment

ARTIST

MUSIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with