^

PSN Showbiz

Kontrata ni Bea, iba na ang laman sa renewal!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Kontrata ni Bea, iba na ang laman sa renewal!
Bea Alonzo.
STAR/ File

Mukhang Widows’ War na nga ang pinaka successful na teleserye ni Bea Alonzo sa GMA7 at consistently nagdodouble digit na siya sa ratings. Bawi na kaya at namamaximize na ang kita sa advertising load nito ngayong tumaas na ang kanyang rating? Harinawa!

Ngayong panahon ng renewal ng kontrata ng mga prime artists ng GMA7, irenew pa kaya si Bea ng Kapuso network after mag expire ng kontrata nito? Hindi naman malayo na ganun na nga ang mangyayari. But you’ll never know, same terms pa ba kaya at same guaranteed income pa rin kaya tulad ng dati? We’ll see.

Himala, may 2 version

Nagreading na noong Linggo ang grupo ng Himala: Isang Musikal at inaayos na nila ang pagshoo-shootingan nila sa Ilocos na ideally ay halos the same location na pinangyarihan ng naunang Himala.

Ang kaibahan lang talaga nito ay ang musika na gawa ni Vince de Jesus. Paano kaya nila ito gagawin - live singing o recording na? With this, ano na kaya ang mangyayari sa isa pang Himala entry ni Vince Tañada?

Tuloy pa ba kaya ito? At ang lagi nang itinatanong, aapir kaya si ang National Artist na si Nora Aunor sa bago at kakaibang obrang ito ni Pepe Diokno? Malamang nasa magic na rin iyan ng pag-uusap nila ng Unitel na balita nami’y may iba pang proyektong nakalaan kay Ate Guy. Abangan!

Carlos Yulo, wini-wish maka-medal

All eyes are set on Carlos Yulo sa pagpasok niya sa three medal rounds sa Paris Olympics gymnastics tournament: sa Magwawagi ba si Caloy this time? Sana! At sa tingin niyo mabubuhay na naman kaya ang balita ukol sa tweet ng paghanga kay Carlos ni Mark Bautista? Maganda siguro na imbitahin ni Mark na manood si Caloy ng kanyang 20th Anniversary concert sa katapusan ng August. Tapos na nu’n ang Olympics, beke nemen?!?!

Juliana, naghahanda sa Olympics?!

Nagniningning ang anak ni Mayor Lucy Torres-Gomez at Congressman Richard Gomez na si Juliana sa Southeast Asia Pacific International Fencing Competition sa Ayala Mall Manila Bay.

Nagwagi ito sa kalaban niya kahapon at ang layo ng lamang niya ng score 3-15.

Magtutuluy-tuloy na kaya ang pagsasanay ni Juliana hanggang maging kinatawan natin siya sa Olympics katulad na lang ng ating atleta ngayon sa fencing na si Samantha Catantan na tinalo ang atleta ng Brazil, pero nagtapos na ang Olympic journey nang matalo ng kalabang Italyana.

Isang karangalan para kay Juliana na simulan nang iwagayway ang bandila ng Pilipinas sa mga fencing competitions.

At nakakaproud din dahil kakagraduate niya rin lang sa kanyang undergrad course sa U.P., bagay na labis na ipinagmamalaki ng kanyang mga magulang!

Go go go Juliana, ang ating future fencing Olympian!

Nakakataquote:

“It’s very rare to be with people who would not just give you roles, but will actually allow you to celebrate the biggest role, which is being myself.”

- Heart Evangelista on her contract renewal with GMA7

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with