^

PSN Showbiz

ABS-CBN reporter Raphael Bosano,kauna-unahang milyonaryo sa Rainbow Rumble

Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN reporter Raphael Bosano,kauna-unahang milyonaryo sa Rainbow Rumble

Maswerte ang kauna-unahang paglalaro ng ABS-CBN reporter na si Raphael Bosano sa isang TV game show matapos maiuwi ang P1 milyon na premyo bilang unang Rainbow Rumble Master.

Ani ni Raphael, “Siguro first’s a charm talaga kasi unang-una ‘to e. Unang-unang game show ko, and I never really expected it. Wala akong expectation at all.”

Inamin ni Raphael na na-challenge siya sa kapwa niyang reporter na si MJ Felipe na muntik pa siyang unahan sa elimination round na Rally To The Top.

Maswerte lang niyang unahan itong makuha ang tamang kulay sa die roller machine at masagot ng tama ang tanong ni Luis Manzano kaya naman nakakuha siya ng karagdagang P70,000 at umusad sa jackpot round.

Samantala, naiuwi pa rin naman nina MJ, Ga­niel Krishnan, Migs Bustos, at Dennis Datu ang mga nakuhang premyo sa elimination round.

Umayon din sa panig ni Raphael ang mga die roller machine sa jackpot round matapos niya makuha ang anim na unique colors na kinakaila­ngan sa loob ng isang minuto para mauwi ang isang milyong piso.

Samantala, noong Linggo naman ay napuno ng tawanan ang Rainbow Rumble sa pagsabak ng “Team Payaman” members na sina Krissy, Bok, Yow, Steve, at Dudot. Nanguna man si Dudot sa elimination round ay nagkulang ang dala niyang swerte at nakuha lamang ang apat na kulay na kinakailangan sa Rainbow Reveal. Nag-uwi siya ng P87,000.

Maki-sagot na sa tanong at alamin kung swe­swertihin kaya ang rumblers sa susunod na weekend. Patuloy na panoorin ang Rainbow Rumble  tuwing Sabado, 7:15PM, at Linggo, 8:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5.

vuukle comment

RAINBOW RUMBLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with