Isang maybahay at isang dating security guard ang kapwa maswerteng nanalo ng bahay at lupa mula sa Vistaland sa Panalo sa AllTV promo ng nasabing television network.
Pinangunahan ni Bb. Camille Villar ang ceremonial turn-over ng mga susi sa dalawang winners, na sila Monica Labausa, at Benedict Esmenio, ang mga maswerteng nabunot sa Panalo sa AllTV promo.
“Thank you po kay Congresswoman Camille Villar. Sakto po kasi matagal na kami nagbabayad (ng rent),” ayon kay Benedict Esmenio, dating security guard.
Si Esmenio ay kaka-resign lang sa trabaho nitong Mayo para maghanap ng ibang mapapasukan.
“Tuwing umaga po, nakasubaybay na ako sa mga nanalo e. Sakto po kasi wala po akong trabaho, kaya iyon po naging libangan ko sa bahay,” ayon kay Esmenio, na taga-Las Piñas.
Si Esmenio at kanyang pamilya ay mangiyak-ngiyak nang malaman na siya ang nabunot sa raffle.
Kasama ang kanyang tatlong anak, nagpasalamat ang Esmonio family sa AllTV at Rep. Villar sa pagkapanalo.
Hindi rin matawaran ang saya ni Monica Labausa, isang housewife at may anak na apat na taong gulang, mula sa Muntinlupa.
Sobrang saya ni Labausa matapos rin malaman na nanalo siya ng bahay at lupa.
Nanood lang si Labausa araw-araw ng Showtime sa ALLTV ng malaman niya ang promo at nagpasyang sumali dito. “Masaya po... nakikitira po kami ngayon sa aking in-laws,” ayon kay Labausa, na may asawa na call center agent.
Maliban sa bahay at lupa, may chance na manalo rin ang 20 televiewers ng ALLTV na mabubunot para sa daily raffle ng tig-500 pesos.
Rhian Ramos, waging “Best Actress” sa ibang bansa!
Itinanghal na “Best Actress” sa 4th TAG Awards Chicago si Kapuso actress Rhian Ramos para sa murder mystery series na Royal Blood.
Nasungkit ni Rhian ang parangal para sa kanyang world-class acting bilang si Margaret Royales.
Tumatak sa viewers ang palaban at mysterious role na ito ni Rhian, na siya ring main culprit sa pagkamatay ni Gustavo Royales, played by Mr. Tirso Cruz III.
Talaga namang deserve na deserve ang international award! Congratulations, Kapuso!