^

PSN Showbiz

Angel, ngayon lang ‘di nagparamdam sa kalamidad!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel, ngayon lang ‘di nagparamdam sa kalamidad!
Angel Locsin
STAR/File

Talagang hindi napalabas ng bagyong Carina si Angel Locsin.

Marami ang biglang nakaalala at naghanap sa misis ng producer na si Neil Arce dahil sa mga sinalanta ng habagat at bagyong Carina noong nakaraang Miyerkules.

Walang naramdamang Angel na laging nangunguna sa pagtulong sa mga biktima ng nakalipas na sakuna na dumating sa bansa.

Laging trending noon sa social media ang mga larawan ni Angel na naghahatid ng tulong sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas na hinagupit ng mga natural na kalamidad.

Maalalang lumusong siya sa baha para tulungan ang mga winasak ng bagyong Ondoy (2009) at storm surge Yolanda (2013). Kabilang din siya sa nagbigay ng unang tulong pagkatapos ng madugong bakbakan sa Marawi (2017), Mindanao earthquake (2019), Taal eruption (January 2020), at naging aktibo sa naging pagtulong noon COVID-19 pero nagkaroon ng kotrobersiya ang binuksan niyang community pantry nang may atakehin doon at namatay.

Hindi nakakalimutan ng fans ang ginawa niyang paglahok sa rally ng umabot na 11,000 empleyado ng ABS-CBN dahil hindi binigyan ang kanilang home network ng prangkisa ng gobyerno.

Sabi nga, si Angel ang Darna sa totoong buhay.

Ang narinig naming kuwento, kuntento raw si Angel ngayon sa kanyang buhay misis at masaya sa bahay at naglalaro ng video games.

Nauna na ngang kinumpirma ng bestfriend niyang si Dimples Romana na hindi na ito nagso-social media.

Mag-iisang taon na si Angel na walang post sa kanyang Instagram account na may 9.2 million followers.

August 1 ang huling post niya.

Samantalang two years na silang kasal ng kanyang mister. July 2022 nang pakasal sila.

ANGEL LOCSIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with