^

PSN Showbiz

Joross, tameme sa KathDen

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joross, tameme sa KathDen
Joross Gamboa
STAR/File

Kasalukuyang nasa Canada sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa shooting ng pelikulang Hello, Love, Again. Matatandaang pumatok nang husto sa takilya ang unang pinagtambalan ng dalawa na Hello, Love, Goodbye noong 2019. Maraming tagahanga ang nagtatanong ngayon kung makakasamang muli sa bagong proyekto ang ibang cast members sa naunang pelikula katulad nina Kakai Bautista, Lovely Abella, Maymay Entrata, Jeffrey Tam at Joross Gamboa. “Actually, hindi ko masasagot. Hindi ko alam kung lahat kasama ah, pero direct continuity ito ng part 1,” nakangiting pahayag ni Joross.

Sinisiguro ng aktor na muling magugustuhan ng mga manonood ang kanilang pelikula. Kaabang-abang daw ang bawat tagpo sa bagong proyekto. “Kagaya nga ng sabi ko, parang the day after lang ‘to eh. Parang kapag pinanood mo ‘yung part one, pagkapanood mo ng part two, konektado as in one day lang ‘yung difference,” pagbabahagi niya.

Inaasahang maipalalabas sa mga sinehan ang Hello, Love, Again simula Nov. 13. Bilang paghahanda ay nagpatubong muli ng balbas si Joross para sa pelikulang ginagawa ngayon ng blockbuster director na si Cathy Garcia-Sampana. “Ayun nga, kaya hinabol, kaya nga nagpabalbas pa ako. Tapos ginawan na lang ng paraan sa mga buhok namin and everything. Hindi kami nagkaroon ng script-reading pero ayun, pinag-aralan namin ‘yung script. Kasi knowing direk Cathy, nakikipag-collaborate talaga siya sa mga actors niya,” pagtatapos ng aktor.

Wilbert, takot na takot sa baha

Muntikan nang lumubog sa baha ang sasakyan ni Wilbert Ross dahil sa epekto ng bagyong Carina noong isang linggo. Hindi raw inakala ng aktor na magbabaha sa kanilang lugar nang pumunta sa gym upang mag-workout. “Pumunta ako ng gym. Hindi ko in-expect na grabe ‘yung ulan. Umalis ako hindi pa gaano. Nabigla na lang ako, ‘yung sasakyan ko malapit na ‘yung baha pumunta sa loob. So kahit malakas ulan, nagmadali ako lumabas at dinala ko sa area na medyo safe,” kwento ni Wilbert.

Aminado ang aktor na talagang nakaramdam ng takot para sa kotse. Ito kasi ang kauna-unahang sasakyang nabili ni Wilbert mula sa katas ng kanyang mga pinagpaguran sa show business simula 2016. Ngayon lamang din nakaranas ang binata ng malawakang pagbaha. “I was stranded. Hindi kasi natin alam madadaanan natin baka malalim. Never ako naka-experience pa. Sa Davao never ko po naranasan. So takot na takot ako. Habang nagwo-workout, iniisip ko baka wala na ako mababalikan na sasakyan. First car ko pa naman iyon. 2022 lang binili,” paglalahad ng binata. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOROSS GAMBOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with