^

PSN Showbiz

Andi, ginagaya ang ginagawa ni Jaclyn

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andi, ginagaya ang ginagawa ni Jaclyn
Andi Eigenmann
STAR/File

Bumalik sa alaala ng aktres na si Andi Eigenmann ang mga childhood birthday party niya na pinaghahandaan noon ng pumanaw niyang mommy - si Jaclyn Jose.

Naalala niya ito ngayong siya naman ang punong abala sa birthday ng anak na si Lilo na nagselebreyt ng kanyang ika-limang taon.

Tinanong niya ang anak kung ano ang gusto para sa kanyang party at hindi nga nawala sa request ng anak ang famous birthday spaghetti ng namatay na beteranang aktres. At hindi niya inaasahang ang hirap daw pala ng mga request nito at ma­ging punong abala.

Sa paghahanda nga raw niya sa party ng anak ay doon niya nalaman ang hirap ng nanay niya lalo na’t lahat ay DIYed nito.

Hindi man daw bongga ang party niya o mga mamahaling giveaways noon, ngayon niya na-realize na ang suwerte niya sa nanay niyang punong abala na sinigurado nitong memorable ang kanyang mga birthday. At lumaki raw siya na hindi mahalaga sa kanya kung hindi siya makatanggap ng mga mamahaling regalo tuwing birthday niya o mga material na bagay. Masaya na raw siya noon na magselebreyt at magtatawanan kasama ang mga kaibigan at “pulling all-nighters fueled by our sugar highs” na kanyang core memory.

Hanggang ngayon daw naaalala pa rin niya ang ngiti nito tuwing sisilip sa kwarto niya na tila binabantayan sila.

Kaya ngayon daw ay sinusundan niya ang yapak nito na hindi nawawala ang birthday spaghetti sa bawat birthday ng mga anak.

Maaalala ngang namatay si Jaclyn noong March kung saan inanunsyo ni Andi sa isang presscon na pumanaw ito sa heart attack.

Gayunpaman ay hindi ito malilimutan ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang mga apo na sina Lilo, Koa at Ellie lalo na at paborito ang luto nitong spaghetti.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with