^

PSN Showbiz

Kim, nag-iisang Pinoy sa Seoul Drama Awards

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kim, nag-iisang Pinoy sa Seoul Drama Awards
Kim Chiu
STAR/File

Maganda ang balitang hatid ni Kim Chiu sa fans niya kahapon ng umaga.

Ipinost niya sa kanyang Instagram account na siya ang tanging representative ng bansang Pilipinas sa kategoryang Outstanding Asian Star sa Seoul Drama Awards 2024.

Nasa caption ni Kim, “I got the news today! I am lost for words…beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening. Thank you to #SeoulDramaAwards2024, thank you ABS CBN @dreamscapeph, and most especially to my lovely supporters for all the unconditional, love, support, time, effort, and much more. I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible.”

Bahagi pa sa kanyang post ay “Korea here I come! Sa South ha?”

Dadaluhan ng Kapamilya actress ang awarding nito sa Sept. 25.

Isa si Kim sa pitong aktres mula sa bansang Korea, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand na makipaglaban sa kategoryang ito.

Ibabase ito sa global votes na makikita sa IDOL CHAMP na app.

Sabi pa sa inilabas nilang press release; “Outstanding Asian Star is conducted by voting for actors who have excelled in dramas over the past year.”

Mabibigat ang makakalaban ni Kim, pero tiyak na kakarerin ng fans niya, pati ang KimPau fans ang pagboto sa kanya.

Ang bongga pa naman ang pagiging protective ng fans ni Kim na pati ngayon ang sexy actress ng Vivamax na si Rhen Escaño ay nadamay.

Umalma ang manager ni Rhen na si Tita Aster Amoyo, dahil binash daw nang husto ang alaga niya ng KimPau fans dahil siya raw ang tinuturong nakarelasyon ni Paulo Avelino.

PA, nagti-trending

Noong July 26 ay nagsimula nang nag-streaming sa Netflix ang bagong

history drama na serye ng GMA 7 na Pulang Araw.

Ang laki ng seryeng ito na umikot ang kuwento bago pa magsimula ang World War 2 sa ating bansa hanggang sa pumasok ang giyera.

Ang tindi ng production design na talagang pinag-aralan nila nang husto.

Nahahalatang CGI ang ibang eksena, pero maganda pa rin siya.

Kaagad kong pinanood ito sa Netflix, at mas lalo ko siyang na-appreciate sa pangalawang episode na kaagad itong nag-number one trending sa lahat na TV shows sa nasabing streaming platform.

Magaling sina Alden Richards at Barbie Forteza pati ang may special participation dito na si Rhian Ramos.

Siya ang gumaganap na nanay ng batang Alden bilang si Eduardo at si Barbie bilang si Adelina, Cassy Lavarias, 11 years old.

Nakukuha na niya ang nuances ni Barbie, dahil siya rin pala ang gumanap na batang Barbie sa Maging Sino Ka Man.

Magaling ang GMA sa ganitong tipo ng drama series kagaya ng Maria Clara at Ibarra, at maaring pagkumparahin ang dalawang seryeng ito.

Pero ibang-iba itong Pulang Araw na sana mapanood ng mga kabataan.

Sana i-endorse ito ng DepEd dahil makakatulong din itong maibahagi sa ating mga kabataan ang kasaysayan ng ating bansa.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with