^

PSN Showbiz

Vico, ‘di umepal

JUST ASKING - L. Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Vico, �di umepal
Vico Sotto
STAR/File

Bravo kay Mayor Vico Sotto at sa Pasig Emergency Go Bag na ipinamahagi nila lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Walang umeepal na pangalan ng pulitiko, just plain Pasig.

May taste ang color at design, at talagang pinag-isipan ang bawat laman. Mapapa-sana-all ka talaga! Puwede bang gayahin ito ng ibang siyudad o puwede sa buong Pilipinas?

Alden at Kathryn, ngarag sa shooting

Nasa Canada na ang grupo ng Hello, Love Again para doon mag-shoot ng pelikula na may November playdate na. So bale buong buwan din mawawala sa Pinas sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Ibig sabihin, nakapag-tape na rin si Alden ng sapat na episodes para sa magsisimula ngayon sa GMA 7 na Pulang Araw? Good luck!

Mga Pinoy, dagsa sa Canada

Nasa Canada rin ang ilang Kapamilya tulad nina Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, BGYO atbp para sa TFC Anniversary show.

Parang ang dami nang Pinoy sa Canada, bakit kaya? Mas um-ok na ang buhay nila doon malamang? Kung tayo may bagyo, forest fire naman daw ang binubuno nila doon.

Pinoy moviegoers, dagsa sa sinehan

Pila-pila ang mga tao sa sinehan kahit umuulan pa! At para saang pelikula? Para sa Deadpool and Wolverine. At kahit na medyo naka-package na ang ticket price sa P750 sa IMax with popcorn at iced tea, tinatangkilik pa rin ng ating mga kababayan.

So wala rin sa admission rates ang dahilan ng pagpanood ng mga tao, ‘di ba? Nasa kung ano talaga ang gusto nila. Kebs kung medyo mahal pa ang ticket. Ano naman kaya ang pelikulang Pinoy ang gagastusan nila at papanoorin, dadayuhin sa sinehan kahit na tag-ulan?

Anak ni Sef, bininyagan

Congratulations kay Sef Cadayona na bininyagan ang anak kahapon sa isang pribadong seremonya. Sa dinami-raming nakapanganak na at on the family way, sinu-sino kaya ang susunod na showbiz baby na bibinyagan? At totoo kaya ang narinig namin, na naghahanda na rin itong erstwhile bachelor na bumilang na rin ng showbiz girlfriends na mag-propose sa kanyang actress girlfriend? Handa na kaya ito at ang pamilya nito? Abangan.

Nakakataquote:

“In my field, she is the Gold winner in vocal athletes.” – Kelly Clarkson on Celine Dion after ng much praised performance niya sa Opening ng Paris Olympics 2024

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with