^

PSN Showbiz

Heart, hinahamon si Marian ng showdown!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Heart, hinahamon si Marian ng showdown!
Heart Evangelista
STAR/File

MANILA, Philippines — Magre-renew ng kanyang kontrata sa GMA Network si Heart Evangelista this Monday, July 29, 10:30 a.m. Ilalatag na rin siguro ng network ang project o projects na gagawin niya this year.

Sa interview sa kanya ni Nelson Canlas for 24 Oras, nabanggit nito na may gagawin siyang series for 2025. Hindi na hahabol kung this year siya bibigyan ng project dahil may existing shows na at may nakahanda na ring kapalit ang mga magtatapos na series.

Kaya masaya ang fans niya na muli siyang mapapanood sa isang acting project dahil ang last series niyang I Left My Heart in Sorsogon noong 2021.

Almost four years na siyang walang series dahil naging busy sa pagrampa sa mga Fashion Week at sa sunud-sunod na endorsements at iba pang mga bagay-bagay.

Ang daming Kapuso stars na gusto siyang makasama sa trabaho. Lalo na ang girls who look up to her being the fashion icon at aabangan ng mga ito ang OOTD ng misis ni Senate President Chiz Escudero para makakuha ng tips.

Samantala, pinasaya nila ni Marian Rivera ang kanilang fans sa short convo nila sa Instagram ni Heart. Nag-post siya ng reels na sumasayaw siya at may caption na “Exactly my groove.” Nag-comment si Marian ng “Waiting for the full dance.” Sumagot si Heart ng “@marianrivera wahahahaha ikaw lang Reyna ng dance floor. Di ko keriii.”

Napa-comment si Tim Yap ng “@heartevangelista @marianrivera the two of you should do a dance together” na sinang-ayunan ng kanilang fans.

Waiting ang fans ng collab dance sa dalawa, mangyari kaya?

Tatay na binigyan ng TV ni Ruru, si Coco ang papanoorin!

May reaksyon si Ruru Madrid sa nag-viral na video kung saan, ‘yung isang tatay na binigyan niya ng TV at sinabihan niyang makakapanood na siya ng Black Rider, sumagot na ang Batang Quiapo ni Coco Martin ang panonoorin nito.

Nakantyawan siya dahil doon, pero tinanggap ‘yun niya at in-acknowledge na marami ang paborito si Coco. Sabi ni Ruru, “Kahit naman po sino sobrang hina­hangaan at iniidolo po si Sir Coco! Maging ako po iniidolo po si Sir Coco! Maging ako po at alam po ni Sir Coco ‘yun! Hehe Labyu Tay!

“Salamat pa din po tay kasi kabisado nya ang pangalan ng bawat karakter ng Black Rider!

“Suportahan po natin ang lahat ng mga programang gawang Pinoy. God bless everyone!”

Paano kaya nakabisado ni Tatay ang karakter ng Black Rider kung hindi siya nanood nito? Ibig sabihin, sumisilip-silip din siya sa katatapos na action packed series ni Ruru para malaman ang panga­lan ng cast na kasama niya.

BINIverse, iniba ang sked

Pinakinggan ng nasa likod ng concert ng BINI ang request ng kanilang fans na i-postpone ang two-night concert ng P-pop girl dahil para sa Blooms (tawag sa fans ng BINI), overworked ang girls sa sunud-sunod na schedule.

Kaya sa halip na sa Oct. 4, sa Nov. 16 and 17 na ang Grand BINIverse na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Mas okay ang bagong date dahil sabay nito ang date nang ma-release ang hit song nilang Pantropiko.

Dahil sa postponement, mabibigyan din ng enough time ang Blooms na makaipon ng ibibili sa two-day concert ng favorite P-pop girl group nila.

Hindi pa in-announce ang ticket prices.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with