MANILA, Philippines — Magdadala ng mas mabilis at mas maaasahang serbisyong internet ang Sky Cable Corporation sa mga bago at kasalukuyang mga subscriber ng Sky Fiber sa pamamagitan ng paggamit ng pure fiber network ng Converge Information and Communications Technology Solutions, Inc.
Pumasok ang Sky Cable Corp. sa isang commercial arrangement kasama ang fiber broadband provider na Converge Information and Communications Technology Solutions, Inc. na magbibigay-daan sa Sky upang palakasin ang kanilang network at mapabuti ang serbisyo sa kanilang mga subscriber.
“Converge has built a superior state of the art fiber network nationwide that Sky customers will soon experience,” pahayag ng Sky chairman na si Mark Lopez.
Ayon sa Sky President at Chief Operations Officer na si Claudia Suarez, sinusuportahan ng inisyatiba kasama ang Converge ang transformation plan ng Sky na nakatutok sa pagpapabuti ng mga produkto at serbisyo ng Sky.
Ang kasunduang ito ayon sa Converge President and Co-Founder Maria Grace Uy ay magdudulot sa Converge ng pagmaksima ng network nito at madadagdagan ang paggamit ng mga port. Bukod sa upgrade ng network, ang programa ng transformation ng Sky ay tumatawag din ng pagtaas ng operational efficiency, mas mahigpit na financial discipline, at pagpapabuti ng organisasyon.