Atat na atat na palang pakasalan si Kiray ng boyfriend niyang businessman. Long hair ha. “Willing to wait pero atat na atat na siya. Oh ‘di ba ang haba ng hair ko. Sorry pero totoong siya ang atat na atat,” chika ni Kiray sa ginanap na launching ng pinakabatang CEO ng bansa, si Kryzl Jorge, ng kanyang pinakabagong health supplement, Veggie Boost at Fruity Boost, kung saan isa nga sa mga guest si Kiray doon.
Tuloy niyang kuwento tungkol sa boyfriend: “Siya talaga malala, siya talaga ang atat. Kaya nga pinahihirapan ko siya. Kaya sabi ko ‘gusto ko P1 million ang engagement ring ko.’ Oh ‘di ba ang arte. Reason ko lang ‘yun kasi nga ayoko pa. Pero recently, nung may nakausap na akong pediatrician, nanakot na sa akin, ‘yung sinabi niya na ‘you’re going 30 years old.’ Yes magti-thirty na ako tapos parang sabi sa akin ng pedia, kailangan mo nang mag-baby, nanakot na blah blah....”
Negosyante ang jowa ni Kiray, si Stephan Estopia. “Kaya sabi ko sa kanya, nagbago na ‘yung pag-iisip ko, basta kahit bumaba na sa 1 million ang engagement ring basta kasal muna, wa munang mag-baby. Wedding ring na lang ‘yung P1 million,” sabay tawa ng actress/comedianne na three years old pa lang ay artista na.
Late bloomer daw kasi siya at ngayon lang talaga siya nakakahawak ng sarili niyang pera, nakakabili halimbawa ng branded bag. “Parang ngayon lang talaga ako nagdadalaga.”
At new lifestyle na rin pala siya. “Binabawasan ko ‘yung food and sweets. Parang bagong lifestyle, I think. Kasi parang it’s been a long time na parang sige, kung anong kainin, kahit gaano karami ang kainin, pero ngayon tina-try ko...”
Dahil ba nagkakaedad ka na? “Actually, weird, pero ‘di sa pagmamayabang, pero hindi pa naman. Wala pa naman.”
Pero turning 30 na siya this July 29. “Ewan ko pero siguro napapaligiran din ako ng mga pamangkin ko. Siguro feeling ko hindi naman ako tumatanda. And ‘yung mga role pa rin of course... parang I dont feel it naman. I think naisip ko lang na kailangan ko lang ng pagbabago. Siguro bagong... ang tagal ko na ring chubby girl, parang sige bagong character at bagong look naman para sa sarili ko.”
Bagama’t hirap daw siya dahil iba ang tukso o temptation ng pagkain. “Kumbaga sa mga babaero, iba ang temptation ng pagkain. Iba talaga. As in. Number 1 rule kung feeling mo nagugutom ka, isipin mo, hindi, bored ka lang.”
Kaya ang ginagawa raw niya, tinutulog na lang niya ang gutom na nararamdaman. “Tulog talaga, saka kailangan mo siguro ng kasama na hindi bad influence na sasabihing ‘ikain mo na ‘yan.’ Kasi ‘yung boyfriend ko very supportive saka ‘yung mga kasama ko sa business, which is business ng boyfriend ko.”
Pero may cheat day naman daw siya. “Actually ang pinakamalala ko siguro, alam kong mali pero pinakamalala ko, ang isang beses lang ako kumain sa isang araw, tapos milk pa, non fat pa, as in isang baso. At parang ok na ako.
“Ewan ko. Siguro na-miss ko ang collar bone ko, na-miss ko na ang panga ko. Ang tagal ko na ring walang panga, ilang taon na rin, simula nung pandemic. Lalo na ang dami ko nung tinulungan na mga online seller na nagluto-luto sila, talagang pino-promote ko para makabenta at magkapera at may maibigay sa mga pamilya nila. Grabe tumaba ako nu’n. Thankful ako pero sabi ko, it’s about time para makatipid-tipid din,” pag-aalala niya sa rason kung bakit din siya nagdagdag ng timbang.
Ang laki raw ng puwet, legs and balakang niya at ‘yun ang gusto niyang i-work out. “Ang laki ng legs ko at balakang ko. And ‘yung pwet ko. Kasi nakuha ko kasi talaga sa mama ko, ‘di ko siya wino-work out. Gusto ko siyang bawasan ng fats. Kasi taba ‘yung butt ko eh.”
Naaapektuhan din daw ang pagtulog niya – hindi na flat kaya apektado na pati likod niya.
Sa kasalukuyan ay busy siya sa live selling ng pabango.
Katatapos lang niyang mapanood sa My Guardian Alien na pinagbidahan ni Marian Rivera at pelikulang Malditas in Maldives with Arci Muñoz na ipinalabas sa Japan.