Sa nakalipas na apat na dekada, katumbas ng pangalan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang mga chart-topping hits, high-energy performances, at walang katulad na connection sa mga manonood ‘di lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.
Nabiyayaan si Gary na magtanghal sa pinakamalalaking venue sa mundo, mula sa Luneta Grandstand kung saan humigit 500,000 ang nanood hanggang sa Tamar Site sa Hong Kong kung saan nag-perform siya sa Hong Kong Harbor Music Festival noong 2003.
Noong 2023, minarkahan ni Gary ang kanyang 100th solo show sa Music Museum sa matagumpay na soldout at 10-night concert series na Gary V: Back At The Museum.
Nakakuha rin siya kamakailan ng multiple standing ovations sa kanyang jampacked North American tour.
Marami ang nag-isip na magreretiro na si Gary sa titulo ng kanyang MOA Arena na Pure Energy: One Last Time na ginanap kamakailan.
Ngunit nilinaw niya na hihinto siya sa pagbibida sa mga solo show sa higanteng venues gaya ng mga arena at mga dome, pero hindi mawawala ang kanyang pagmamahal sa musika at pagtatanghal.
Kumbaga hindi na siya magko-concert na mag-isa lang ng tatlong oras at literal na walang pahinga o CR break man lang.
Kaya naman deserve na deserve niya ang pinagkaloob na Legacy Award 2024 para sa Men Who Matter ng PeopleAsia.
Personal na tinanggap ni Gary ang nasabing karangalan sa awards night na ginanap sa Marriott Hotel.
Pero bago tinanggap ni Gary V. ang Legacy Award ay nagparinig siya ng tatlong kanta at lahat ay nag-enjoy kabilang na ang kanyang fellow awardees na sina PAGCOR Chairman Al Tengco and Sec. Frederick Go.
Inilunsad din sa nasabing event ang fund drive na pinangunahan ng The Philippine STAR at PeopleAsia, para sa mga biktima ng Super typhoon Carina. Marami naman kaagad ang nagpaabot ng donasyon mula sa maraming awardees at bisita.
Bukod kay Gary V., kinilala rin ang sampung outstanding men sa kanilang outstanding performance at kontribusyon mula sa kani-kanilang larangan – Box Office actor Dingdong Dantes, PAGCOR Chairman Al Tengco, Pangasinan 4th District Rep. Toff de Venecia, Chef Sau del Rosario, Conrad Manila’s Fabio Berto, Potato Corner COO Joey Alvero, Talent Manager Jojie Dingcong, Opulence Design Concept owner Gerry Sy, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Managing director of Bellevue Resorts Patrick Chan and CEO of Citi Paul Favila.