Julie at Stell, ‘di pa soldout?!
Kumusta na ang JulieXStell Collab Concert sa New Frontier Theater na dapat tonight and Sunday, parang natabunan ng mga balita – pati ng bagyo? Dahil sa mga major artist sila , ‘di ba dapat may publicity na soldout na ang concert?
Sa pagiging hot ni Stell ng SB19, ‘di ba dapat soldout na yan nu’ng nilalabas pa lang ang tickets? Anyare?
Balitang puwede namang habulin na mapuno raw tonight ayon sa Ticketron insiders pero isang malaking good luck daw sa second night. Eh bakit kasi nag-second night agad?
Isa ba itong case of miscalculation? Ang tanong pa ng ibang SB19 fans, kung Stell solo concert siguro ito, soldout agad paglabas pa lang ng tickets! Sabeeeeh?
Sunud-sunod na pagpanaw!
Tanong: bakit sunud-sunod naman, Lord, ang pagyao ng mga kasamahan natin sa industriya?
Nakakabigla ang balita ng pagkamatay ng kapatid natin sa panulat na si Wally Peralta mula sa kasamahan niya sa PMPC at ang pagyao rin ng skincare business woman na si Ellen Lising mula naman sa post ni Dennis Evangelista.
Lord, puwede po bang awat muna. Pause na po muna sana, lalo pa’t bumabangon pa lang tayo sa aftermath ng Super typhoon Carina.
Ruru at Jon, sumamang mag-ayuda
Napakagandang gesture ang isinagawa nina Ruru Madrid at Jon Lucas na magpamahagi ng relief goods kasama ng Kapuso Foundation sa mga nasalanta ng bagyong Carina. Ang sipag din ni Ruru sa pagpo-promote at pagpapasalamat para sa nagtapos nilang Black Rider.
Eva at Nadine, gamit na gamit na sa mga expression
Kung may Eva Darren na naisawalang bahala sa FAMAS, may Nadine Samonte naman na na-forget sa listahan at upuan sa GMA Gala. Kaya ngayon, expression na sila at kasama na sa mga punchline ng mga bading: “Naku, siguraduhing alam ng host, baka ma-Eva Darren ka. O sure na mag-RSVP ka para hindi ka ma-Nadine Samonte!”
Ano na kaya ang nangyari sa mga taong in charge ng sitwasyon at ‘yung nagkaroon ng lapses? Paano kaya nila maa-assure na hindi na ito mauulit?
Nakakataquote: Rocco, sinagot ang trabaho ng reservist
“Answering the call of duty.
“Maraming nagtatanong kung ano ba ang papel namin bilang reservist. At kung pangdisplay lang ba kami.
Eto ‘yun.
“Being present. Using our network to provide. Volunteering.
“In this case, tumulong kami sa @gmakapusofoundation sa pagbigay ng kanilang relief goods sa 1000 families na nasa shelter ng Malanday Elementary school.
“Sa tulong ng Gma Kapuso Foundation at initiative ni Maj @dongdantes at NRPAU( Naval Reserve Public Affairs Unit), napangiti namin ang mga nasalanta kahit sa araw na yun.
“Di man pinansyal, pwede tayo makatulong sa mga naapektuhan. Kasing simple tulad ng pangangamusta at padadasal para sa mga kaibigan natin, o sa pagtulong sa paglinis ng lugar natin.
“It’s time to be the best Filipino, the helping and selfless kind of Filipinos that we are proud to be.” – Rocco Nacino
- Latest