^

PSN Showbiz

Gloc-9, nautangan ng pang-tuition si Francis M.!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Gloc-9, nautangan ng pang-tuition si Francis M.!
Gloc-9

Malaki ang naitulong ni Andrew E sa naging tagumpay ni Gloc-9 sa music industry. Ayon sa rapper ay pinupuntahan pa niya noong nagsisimula pa lamang si Andrew sa bahay nito. “Si Andrew E, kasi sumali ako sa rap contest sa kanyang radio program. So ‘yan ‘yung isa sa mga unang steps ko going in to rapping. May mga time na pupunta ako sa bahay niya sa BF Homes, kasi may mga ka-batch ako na rappers at that time na inaalagaan niya rin,” kwento sa amin ni Gloc-9 sa Fast Talk with Boy Abunda.

Numerong idolo raw noon ni Gloc-9 si Francis Magalona. Naging malalim umano ang kanyang naging relasyon sa namayapang Master Rapper. “Si Sir Francis ay ibang level. Ang naging relasyon ko kay Sir Kiks, ninong siya ng aking kambal. May time na, ‘Sir Kiks, binyag ng anak ko, pwede ka ba?’ I think may lunch siya with family, ginawa niyang malapit do’n sa binyag para lang maka-attend siya. Kapag wala akong pang-tuition fee no’ng ako ay nagnu-nursing, kinakapalan ko ang mukha ko. ‘Sir Kiks, pwede ba akong mangutang sa iyo?’ Sasabihin niya sa akin, ‘Daan ka dito sa Bulaga, bigyan kita ng pera, pang-tuition mo.’ Siya ang nagsabi nito, ‘Ang pera kinikita, ang kaibigan mahirap,’ sabi niya. I make it a point na maibalik ‘yon dahil ayoko ring sirain ang tiwala ni Sir Kiks sa akin. Kahit na minsan nahihiya akong sabihin pero kapag nagte-text ‘yan ang tawag sa akin ‘anak.’ Ako ay fan ni Francis M. Pero para sa isang tagahanga na magkaroon ng relasyon sa kanyang iniidolo ay sobrang agang tagumpay na para sa akin,” pagdedetalye ng rapper.

Claudine, hirap maging single mom!

Masayang-masaya si Claudine Barretto para sa dalawang anak nila ni Raymart Santiago. Dalawampung taong gulang na ang panganay nilang si Sabina at 17 taong gulang naman ang bunsong si Santino. “Siguro I must have done something good in my life to deserve these children talaga. Especially Sab, kasi first she’s a scholar. Second, she’s very responsible. She’s still a baby pa rin. May boyfriend na siya, pinayagan ko na no’ng 18 siya. I’m very happy because she has a very grateful heart,” nakangiting pahayag ni Claudine sa On Cue ng ABS-CBN.

Para sa aktres ay hindi madali ang magpalaki ng mga anak bilang isang single mom. “It’s not easy to be a single mom and dad at the same time. But it you have so much love, you can do anything for your children and that’s what I did,” makahulugang giit niya.

Samantala, madalas na nakikita si Claudine sa social media na kasama ang dating mga katrabaho noon sa Home Along Da Riles ng ABS-CBN. Dumadalaw na magkakasama ang cast members sa puntod ni Dolphy na siyang pangunahing bida ng naturang sitcom noon. “We’re visiting tatay all together again. We’re asking for guidance kasi there are so many people na masaya kapag nakikitang kumpleto ang Home Along (cast members). Sabi ko nga we’re family not by blood but by choice kami. Nag-a-outing kami, siguro ‘yung mga tao gusto ring makita na magkakasama kami. May mga nagre-request ng movie, ng sitcom ulit. Kami iniisip namin na kung gusto ng tao, kaya kaya? Kung gusto nila, maybe. The family was lost for a while but now we’re complete again,” pagbabahagi ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ARTIST

GLOC-9

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with